Facebook

REP. CO NAGPASALAMAT KAY PBBM SA UTOS NA IMBESTIGASYON VS AGRI SMUGGLERS!

Nagpasalamat kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr si House appropriations committee chairman Rep. Zaldy Co matapos ang agarang paguutos ng pangulo para sa malalimang imbestigasyon laban sa agricultural smugglers, hoarders at price fixers.

Sinabi ni Co, seryoso ang Pangulong BBM na paimbestigahan sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang criminal syndicates na bumibiktima sa milyun-milyong Pilipino.

Nagalak si Co dahil ang utos ng pangulo ay isang pagkilala sa naunang imbestigasyon ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez, Congressman Mark Enverga at Congresswoman Stella Quimbo, ukol sa hoarding, smuggling, at price fixing ng mga agricultural products.

Dagdag ng kongresista, dapat umanong sampahan ng kasong economic sabotage ang private individuals at mga kasabwat nilang government officials na mapapatunayang nasa likod ng malawakang smuggling at pananamantala sa taumbayan.

Sinabi din ni Co na dapat umanong i-liberalize o buksan ang importation lalo na sa panahong kulang ang mga agri products. Ngunit dapat aniya itong limitahan sa panahon ng anihan upang hindi naman malugi ang mga magsasakang Pilipino. (Cesar Barquilla)

The post REP. CO NAGPASALAMAT KAY PBBM SA UTOS NA IMBESTIGASYON VS AGRI SMUGGLERS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
REP. CO NAGPASALAMAT KAY PBBM SA UTOS NA IMBESTIGASYON VS AGRI SMUGGLERS! REP. CO NAGPASALAMAT KAY PBBM SA UTOS NA IMBESTIGASYON VS AGRI SMUGGLERS! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.