Buhay JOURNALISTS.., araw araw natataktak ang mga utak sa pag-iisip para sa mga totoong kaganapang maisusulat, maibabalita, malilitratuhan o mabi-video para maipabatid sa kaalaman ng madla hinggil sa mga kaganapan sa ating komunidad.., na halos mas malaki ang oras ang nagugugol sa trabaho kaysa sa piling ng kanilang mga pami-pamilya.
Gayunman, may mga MEDIA ORGANIZATION tulad ng QUEZON CITY PRESS CLUB (QCPC) na kinabibilangang ko bilang Isa sa mga OFFICER ang nagsasagawa ng kahit man lang isang beses sa loob ng isang taon ay magkaroon ng outing kasama ang kanilang pami-pamilya.., na pangunahing layuni’y ang magkakila-kilala ang mga asa-asawa’t mga anak at mapatibay pa ang samahan o camaraderie ng mga mga bumubuo ng QCPC.
Nitong July 7,8 at 9, ang QCPC ay naglunsad ng OUTING kasama ang mga pami-pamilya na isinagawa ang iba’t ibang mga palaro bilang bahagi ng TEAM BUILDING.., siyempre pa napuno ng tawanan ang kasayahan sa loob ng SAMNELL’S RESORT sa 333 IBAYO ST., MANATAL, PANDI, BULACAN na eksklusibong nirentahan ng grupo.., na ang pamilyang STA. ANA lalo na ang kanilang anak na si LESLIE STA. ANA ay natuwa sa grupo na naghain ito ng LIBRENG pàkape ng BOSSING HERBAL BLEND COFFEE .., siyempre pa gising ang ilang inaantok kaya tuloy ang happenings hanggang hatinggabi.
Isang malaking aircon bus ang inarkila at pagsapit sa resort ay lusong na sa swimming pool ang mga bata àt doon nakikita kung paano nakapag-aadjust ang mga bata sa mga bago nilang kàkilalàng mga kapuwa bata rin.
Nadidiskubre rin ang iba’t ibang talento ng mga bata gayundin ang kani-kanilang mga magulang lalo na sa pagkantahan.. bidahan, kuwentuhan at hagalpakan na bahagi ng pagpapatibay sa pagsasamahan ng grupo.
Ang ilan namang marunong sa paglangoy ay tinuturuan ang mga kasamahan sa tamang paglangoy at ang pagpapalutang ng sarili o FLOATING na mistulang nakahiga sa ibabaw ng tubig na hindi iginagalaw o ikinakampay ang mga kamay para makalutang sa tubig.., na kung matututunan ang ganitong pagpapalutang ay malaking katulungan sa sarili sa panahon ng peligro halimbawa ay lumubog ang sinasakyàn sa karagatàn ay maisasalba ang sarili sa pagkalunod at hindi mapapagod sa kakakawag ng mga kamay at paa.
Nitong katapusan ng Mayo ay nag- outing din ang PAMAMARISAN-RIZAL PRESS CORPS ( isa rin akong officer dito) na ang tinungo naman ay ang VILLA JHOANA RESORT sa ANGONO, RIZAL at nagdaos din ng seminar sa basic news writings at iba pang pamamaraan sa pagganap bilang mga JOURNALIST.., siyempre pa, maging ang ilang kapamilya ng mga JOURNALIST ay nakinig na rin sa isinagawang seminar.
Ang ganitong moment ng mga MEDIA ay napakahalagang bahagi para mapalalim pa hindi lamang sa aspeto ng propesyon kundi sa pakikipagkapuwa lalo na sa mga kapamilya ng mga kasamahan sa propesyon.
Ika nga.., hindi lamang sa hanay ng mga MEDIA kundi maging sa mga government agency o mga private company ay mahalaga na nagkakaroon ng OUT OF TOWN HAPPENINGS kasama ang kanikanilang mga pamilya para lalong mapalawak ang samahan ng mga magkakatrabaho kàhit man lang isang beses sa loob ng isang taon!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post MEDIA OUTING… HAPPY ANG QCPC FAMILIES! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: