Facebook

Probe sa malls na over charging ang singil sa CR utos ni Mayora Honey

IPINAGUTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang imbestigasyon sa mga malls na labis kung maningil sa paggamit ng kanilang dapat sana ay public toilets.

Inatasan ni Lacuna si City Administrator Bernie Ang na sulatan ang mga mall owners sa Maynila upang tiyakin ang practice ng paniningil kapalit ng paggamit ng kanilang comfort rooms.

Hinikayat din ni Lacuna ang mga mall owners na ihinto na ang ganitong practice ng paniningil dahil ito ay anti-poor at lihis sa regulasyong itinakda ng local government sa pamamahala ng kanilang operasyon.

Inutos din ng alkalde ang imbestigasyon sa reklamo ng isang taga-media na si Juliet de Loza ng Abante/Abante Tonite, na siningil ng P20 sa paggamit ng comfort room sa Lucky Chinatown Mall sa Binondo. Sa resibong ibinigay sa kanya ay P10 lang ang nakalagay.

Ayon kay Ang, ang mga shopping malls ay binigyan ng permits na mag-operate ng city government sa kundisyon na magpo-provide sila ng mga facilities na kailangan ng kanilang customers o ng mall-going public at kabilang na dito ang public comfort rooms na magagamit ng customers ng libre at walang bayad.

Habang ang shopping malls ay private-owned establishments, sinabi ni Ang na ang city government ay maaaring i-regulate ang kanilang operations at magpatupad ng kautusan kung ang operasyon ng mall ay detrimental o taliwas na sa kapakanan at interes ng publiko.

Dahil sa reklamo ni de Loza , sinabi ni Ang na ang nasabing mall ay nakagawa ng pagkakamali nang mag-issue ito ng resibo na nakasulat ay P10 lamang, pero ang sinisingil kay de Loza ay P20.

Nagbabala ang city administrator sa paglabag ng kundisyon dahil ito ay grounds para sa penalties at maging pagkakasara ng mall. (ANDI GARCIA)

The post Probe sa malls na over charging ang singil sa CR, utos ni Mayora Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Probe sa malls na over charging ang singil sa CR utos ni Mayora Honey Probe sa malls na over charging ang singil sa CR utos ni Mayora Honey Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.