ISANG babaeng Ugandan national ang hindi pinapasok ng bansa ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes ng gabi matapos na magprisinta ng palsipikadong passport.
Kinilala ang Ugandan na si Phiona Apolot, 28, na dumating ng bansa sakay Air Asia flight galing ng Kuala Lumpur, Malaysia.
Base sa ulat, si Apolot ay hinuli ng mga immigration officers matapos na makitaan ng iregularidad sa kanyang passport.
Ang dokumento ay dinala sa duty supervisor, na isinumite naman sa anti-fraud section ng BI para sa forensic examination.
Dito na nakumpirma na ang passport na isinumite ay peke, kaya naman nagduda ang mga awtoridad sa kanyang pagkakakilanlan at intensyon.
“This incident serves as a stern reminder to all would-be offenders that our immigration officers are highly trained and equipped to detect and intercept individuals attempting to circumvent our immigration laws,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.
“We will continue to enhance our efforts in collaboration with international partners to combat illegal activities and maintain the highest level of security,” dagdag pa nito.
Si Apolot ay agad na ihiniwalay at agad din pasasakayin sa susunod na available flight pabalik sa bansang kanyang pinagmulan. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)
The post Ugandan na may pekeng passport, ‘di pinapasok ng Pilipinas – BI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: