Facebook

Super Health Center inagurahan sa Sorsogon City

Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang kahalagahan ng pagbubuhos ng resources sa health infrastructure lalo na sa mga komunidad upang mailapit ang mga serbisyong medikal sa mga tao.

Ginawa ni Go ang pahayag sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Super Health Center sa Sorsogon City. , Sorsogon.

Ani Go, mahalagang palakasin ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa upang epektibong maharap ang mga isyu sa pangkalusugan at kapakanan ng mamamayan, partikular na sa grassroots.

“Mas dapat tayong mag-invest sa ating healthcare system. Hindi natin akalain na tatamaan tayo ng pandemya. Mas mabuti nang handa tayo sa anumang pandemyang darating sa buhay natin,” ani Go.

Ang mga Super Health Center ay idinisenyo upang tugunan partikular ang pangangalaga, konsultasyon, at maagang pagtuklas ng mga sakit sa mga komunidad.

“Marami po sa mga kababayan natin sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ay walang sapat na health facilities na makagagamot sa kanilang mga karamdaman. Kaya importante na mailapit natin ang serbisyong medikal mula sa gobyerno sa mga tao,” anang senador.

Bukod sa Sorsogon City, may pinondohan ding Super Health Centers sa Bulan, Irosin, Castilla, Sta. Magdalena, at Matnog.

Ang inagurasyon ay dinaluhan din nina Congresswoman Marie Bernadette Escudero, Sorsogon City Mayor Ester Hamor, at iba pang lokal na opisyal.

Naunang sinuportahan ni Go ang pagsasaayos ng Dr. Fernando B. Duran Sr. Memorial Hospital (Sorsogon Provincial Hospital) sa lungsod at ang pagtatayo ng Cancer Treatment Center nito.

May Malasakit Center na matatagpuan din sa ospital na ininspeksyon din ng senador ang operasyon noong araw na iyon kasabay ng pamamahagi ng tulong sa frontliners at mga pasyente.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 159 operational na Malasakit Centers na nakatulong na sa mahigit 10 milyong Pilipino sa buong bansa, ayon sa DOH.

“Ang Malasakit Center po ay one-stop shop, nasa loob na ng ospital ‘yung apat na ahensya ng gobyerno – ‘yung DOH, DSWD, PhilHealth, at PCSO. Tutulungan po kayo sa inyong billing,” ani Go, ang pangunahing awtor at isponsor ng Republic Act No. 11463 na lumikha nito.

The post Super Health Center inagurahan sa Sorsogon City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Super Health Center inagurahan sa Sorsogon City Super Health Center inagurahan sa Sorsogon City Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 25, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.