Facebook

8 Bagong mobile patrol cars tinanggap ng Caloocan police

Personal na pinangunahan ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang turn-over ng 8 modernong patrol vehicles sa Caloocan City Police Station, sa pamumuno ni PCol. Ruben Lacuesta, upang palakasin ang kakayahan ng pulisya ng lungsod sa kaligtasan ng publiko at mga proyekto laban sa krimen.

Nagpahayag ng pasasalamat si PCol. Lacuesta kay Mayor Along para sa patuloy na suporta ng huli sa CCPS at nangakong isulong ito sa pamamagitan ng pagtiyak sa aktibong pagpapatupad ng mga programa sa pagpupulis habang maayos na nakikipag-ugnayan sa mga residente ng lungsod.

“Maraming maraming salamat kay Mayor Along sa patuloy na pagsuporta sa ating mga pulis, at siyempre ganun din sa ating mga kababayan na nagtitiwala sa ating kakayahan na gawing ligtas ang ating lungsod. Asahan niyo po na susuklian natin ang tiwalang ito sa pamamagitan ng mahusay na pagseserbisyo,” pahayag ni PCol. Lacuesta.

Sa kanyang bahagi, pinuri ni Mayor Along ang pulisya ng lungsod sa lahat ng pagkilala na kanilang natanggap nitong nakaraang taon at ipinahayag na dahil sa mahusay na pagganap ng CCPS, hindi siya magdadalawang-isip na magbigay ng tulong sa anumang paraan sa pulisya ng lungsod dahil ito ay nakikinabang din sa kanyang mga nasasakupan.

“Napakaraming mga pagkilala po ang natanggap ng CCPS ngayong taon kaya naman mas ginaganahan tayong tumulong sa kanila dahil alam natin na maganda ang nagiging resulta ng kanilang mga ginagawa,” wika ni Mayor Along.

“Gayundin, sa pagtulong natin sa pulisya na gawin ang kanilang mga sinumpaang tungkulin, nakakatulong din po ang pamahalaang lungsod sa ating mga mamamayan at nasisiguro natin na mabibigyan ang mga Batang Kankaloo ng isang lungsod na ligtas laban sa abuso, droga, at krimen,” dagdag pa ni Mayor Malapitan.(BR)

The post 8 Bagong mobile patrol cars tinanggap ng Caloocan police appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
8 Bagong mobile patrol cars tinanggap ng Caloocan police 8 Bagong mobile patrol cars tinanggap ng Caloocan police Reviewed by misfitgympal on Disyembre 05, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.