Ni WENDELL ALVAREZ
SAMPAL ito sa isang nagmamagaling na writer sa telebisyon ang nangyari sa kanya kung saan inaayawan ang kanyang pelikula.
Well, idaan ko muna sa blind item dahil first hand ang kwentong ito na galing sa isang kilala at nirerespetong tao sa lipunan.
Involved sa kwento ang sawsawerang script writer (SSW) at ang host sa isang telebisyon na hindi lang pagpapatawa kundi magaling ito sa mga cryptic thought (CT).
Ganito ang serye, magkakaroon sana ng guesting ang bida ng isang pelikula na kasali sa nalalapit na Metro Manila Film Festival or MMFF 2023.
Nakarating ito sa mga host ng sikat na programa in television. Okey lang sa ibang host at very proud sila na darating ang premyadong actress to promote her movie.
Pero may isang host (CT) na nag object sinabi niya ang dahilan kung bakit ayaw niya na mag promote ang pelikulang ito sa kanilang TV show.
Ayon sa kwento, gusto niya rin sana na pumunta ang award winning actress kaso nang makita niya ang name ni (SSW), isang malaking NO ang sagot nito.
Sinabi ng host na si (CT), hindi niyo ba natatandaan na nuong nagkaroon tayo ng problema kung saan tayong TV station pupunta kung anu-ano ang sinasabi niya tungkol sa atin dapat lang daw tayo palitan at tanggalin kasi hindi na tayo IN, kung baga wala na tayong appeal sa publiko.
Kung hamakin din daw ni (SSW) ang anak ng isa pang host sa nasabing programa wala itong pakundangan at sinabing bias ito.
Nag dialogue pa si (SSW) useless lang daw ang pagiging Deputy niya kasi hindi naman napapakinggan ang kanyang suggestion, kaya dapat lang na isauli niya ang hawak na card.
Nakarating sa amin na pinanindigan niya ang kanyang sinabi na isauli ang card pero nang makarating ito sa nasabing ahensiya ng gobyerno expired na pala. Kakatawa ka naman (SSW).
Inaabangan ko nga ang guesting ng premyadong actress sa nasabing programa sa telebisyon pero hanggang sa nagpaalam ang mga host ay walang umapir.
Ikinalat pa naman sa FaceBook (FB) ng mga diehard fans ng premyadong actress ang guesting nito.
Kilalang-kilala mo siya kapatid na Blessie kung sino ang mga character sa ating BI today at tiyak masa-shock ka, tiyak ako isa ka rin sa nag-aabang kasi nga idol mo siya….#AbawAh.
The post Premyadong aktres bulilyaso ang pag-guest sa TV show appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: