Facebook

AMIN ITO!!!

BAGO ang lahat, babatiin ko ang lahat ng isang Maligayang Pasko, at Masagana, at Matiwasay na Bagong Taon!!! Lubos na ikinatutuwa ng inyong abang linkod, na sa halip ng mga nagdaan na pagsubok, nananatili tayo na nandito, upang magdiwang at magpasalamat sa taong patapos. Batid natin na hindi natatapos ang mga pagsubok. Sabagay, sabi nga hangga’t buhay tayo, patuloy ang pagsubok, subalit puno man ng pagsubok ang buhay, nananatili tayong nagpapasalamat kay Poong Kabunian at Kinasihan niya tayong lahat.

Ngayon, nananatiling pagsubok sa mga Pilipino ang isyu tungkol sa West Philippine Sea kung saan nagpapatuliy ang pambu-bully ng Pulahang Tsina. “As we embark on this voyage we represent the very best of what it means to be a Filipino. Though we may come from diverse backgrounds and hold variying beliefs, when it comes to the shared goal of enhancing the living condition of fisherfolk communities and frontliners, as well as asserting our rightful claim in the West Philippine Sea, we stand united…” Ito ang pahayag ni Rafaela David, pangulo, AKBAYAN Party nang pumalaot ang Atin Ito convoy patungong Ayungin Shoal kung nasaan ang BRP Sierra Madre, at mga mangingisda.

Ang pakay nila ay magbigay ng pamasko sa mga sundalo, at mangingisda doon. Bagama’t nakarating ang ilang ” supply ships” ng Atin Ito convoy, at matagumpay na nagregalo ng gasolina at Christmas “goodies,” sinadyang harangin ang pangunahing barko ng Atin Ito, ng mga hukbo ng ChineseCoastGuard at kanilang fishing flotilla na bahagi din ng PLA. Ayon kay Wang Wen Bin, tagapagsalita ng Pulahang Tsina, dapat mahinahon tayo at wag manggulo, sa palagay namin po, at mawalang-galang, gawain ng mga katulad niyo ang mambully at paligtarin ang naratibo. Nasiwalat na ang gawain niyo.

Pasalamat kayo at nananatiling mahinahon kami at hindi dinadaan sa marahas, ang tugon sa pagyuyurak niyo. Ang sinasabi niyo na gumagawa ng “irrevocable harm” ang pananatili ng Sierra Madre ay kasagsagan ng hipokrasiya. Tama si Gibo Teodoro na tawagin hayong mga hipokrito at hindi pwedeng pagkatiwalaan dahil wala kayong isang slita, walang dangal. Sa ngayon ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang wastong hakbang una, upang ibsan ang tensyon, at pangalawa, palakasin ang katihan, na sa loob ng ilang dekada napaliban ito. Ngayon napapansin na pumapalag na ang ibang bansa, at sinisita ang Pulahang Tsina sa asal nila. Kaya sa mga namumuno sa inyo, magpasalamat kayo.

Maka-diyos at matimpihin kaming mga Pilipino kaya nararapat, kahit nakakalamang kayo ngayon, magpasalamat kayo. Hindi magtatagal at malalagay din kayo sa tamang lugar. Alam ng abang kolumnistang ito, na kayo magtatagumpay sapagkat nasa panig namin ang tama, at kahanay na namin ang ibang bansa na naniniwala sa tama. Heyo lang ang masasabi ko sa mga pangahas: Ang West Philippine Sea ay sa Pilipinas… AMIN ITO!!! Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian at Maligayang Pasko sa ating lahat.

***

Matapos mag-urong ng testimonya ang isa pang saksi laban kay dating senador Leila De Lina, tuluyan na ang pagsara ng pintuan sa mukha ng mga nagpangahas ipakulong siya. Nangunguna sa talaan si “killer-president” Rodrigo Duterte. Noong Disyembre 18, nag-urong ng testimonya si Jerry Valeroso, retiradong heneral ng PNP. Ayon kay Veleroso, ang pag-urong ng testimonya ay upang makalaya ang mga taong biktima ng maling paratang. Ang masasabi lang po ng inyong abang lingkod, totoo na hindi matatago ang kasinungalingan. Sa bandang huli, kakalabitin ang budhi, at matutunton din ang katotohanan. Sa pangyayaring ito, wala nang dahilan ipatuloy ang kaso ni Leila De Lima. Dapat siya ay tuluyang makalaya na.

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Nasaan ang Genuine and United Opposition, if one still exists?…” -Manuel Laserna Jr: mananamggol, netisen, kritiko

“The comfort of the rich depends upon an abundant supply of the poor…” -Voltaire

“We take everybody as a friend as long as they don’t take what is ours…” -Gibo Teodoro, DND secretaryo
\
“In the Philippines, justice is often in the eyes of the throne holder…” -Richard Heydarian, kolumnista, netisen, kritiko

” Sa mga papunta sa Valenzuela, konting ingat. You might get Rob(bed). Sa halip na Win, Talo…” – Ruben Malabuyo, netisen, kritiko

“Yung dating kamay na bakal malapit na maghimas bakal…” I- melda Nicholas, netisen, kritiko

***

Jok Onli:

INAY: O, anak, bakit nagmumukmok ka?…

ANAK: Nabubuwisit ako Inay..

INAY: Eh, Paskong Pasko, bakit

nabubuwisit ka?…

ANAK : Ayoko na kasing maging titser…

INAY: Bakit naman?…

ANAK: Yung DepEd secretary bukod sa may

tattoo at mukhang maton mukha rin

Confidential Funds…

***

mackoyv@gmail.com

The post AMIN ITO!!! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AMIN ITO!!! AMIN ITO!!! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 23, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.