Facebook

Bong Go: Bully at binu-bully parehong tulungan

Nababahala si Senador Christopher “Bong” Go sa nakaaalarmang paglobo ng kaso ng bullying sa mga paaralan.

Dahil dito, sinabi ni Go na mahalagang matukoy ang ugat sa likod ng pag-uugali ng isang mag-aaral sa pambu-bully.

“Dapat po ay tingnan natin nang mabuti kung anumang interventions ang gagawin ng gobyerno, ng school authorities, should address both the bully and the bullied,” sabi ni Go.

Ani Go, kailangan ng komprehensibong interbesyon ng pamahalaan at paaralan para matulungan kapwa ang bully at biktima ng pambu-bully.

“Hindi lang po ito usaping misbehavior po ng estudyante na nam-bully. Ang importante rito yung epekto po sa mental health ng na-bully. So dapat po ay tingnan nating mabuti kung ano’ng interventions ang gagawin ng gobyerno, ng school authorities, should address both the bully and the bullied,” anang senador.

Anang senador, dapat unawain nang malawak ang implikasyon ng bullying, partikular na ang epekto nito sa mental health ng mga biktima upang epektibong matugunan ang isyu.

Si Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ay naniniwala na ang pambu-bully ay bahagi ng isang isyu sa pag-uugali ngunit maaaring humantong sa isang problema sa kalusugan at katatagan ng isip.

Nakababahala aniya ang istatistika mula 2021, kung saan 404 mag-aaral ang nagpakamatay at 2,147 ang nagtangkang magpakamatay.

Para matugunan ito, itinaguyod ni Go na magkaroon ng mental health facilities sa mga ospital ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.

Inilarawan ni Education Undersecretary Gina Gonong ang bullying bilang isang “pervasive problem,” partikular sa mga lalaki at estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Napansin sa isang pag-aaral na ang mga biktima ng madalas na pambu-bully ay nakakukuha ng mababa sa mga akademikong paksa tulad ng matematika.

Upang labanan ito, pinalalakas ng DepEd ang kanilang pagsisikap sa pamamagitan ng paglikha ng mental health unit at pagkuha ng mga mental health coordinator para sa bawat rehiyon.

Inihain na rin ni Go ang Senate Bill No. 1786, na mag-aatas sa mga public higher education institution (HEIs) na magtatag ng Mental Health Office sa kani-kanilang campus, kung saan ay maglalagay ng hotline at sinanay na mga guidance counselor upang tumulong sa mga estudyante.

The post Bong Go: Bully at binu-bully parehong tulungan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Bully at binu-bully parehong tulungan Bong Go: Bully at binu-bully parehong tulungan Reviewed by misfitgympal on Disyembre 16, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.