WALANG humpay ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapaluwag ang mga piitan sa bansa, lalung-lalo na ang New Bilibid Prison (NBP) na pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections (BuCor).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na kabilang sa mga hakbang na ito ay ang National Jail Decongestion Summit na inilatag upang magkaroon ng komprehensibong pagsusuri sa penal system sa bansa.
Ibinida ni Catapang na tuloy din ang pagsisikap nila na mapanatili ang International Organization for Standardization (ISO) Certification na iginagawad ng third party auditors para sa BuCor.
Batay sa pinakahuling assessment, lumitaw aniya na kahit congested ang pitong piitan na pinatatakbo nila ay napapanatili naman ang kaayusan dito.
Dagdag pa ng opisyal, lumabas din sa ISO assessment na kahit masikip ang mga piitan ay nakakagalaw naman ang mga persons deprived of liberty (PDLs) at ramdam ang mga reporma. (Gilbert Perdez)
The post JAIL DECONGESTION NG PAMAHALAAN, PATULOY appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: