Facebook

Kasama pa ba si Jesus sa Pasko 2023?

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Habang sila’y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki…” (Lucas 2:6-7, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

KASAMA PA BA SI JESUS SA PASKO 2023? “Kasama pa ba si Jesus sa pagdiriwang mo ng Pasko 2023?”

Simpleng tanong. Madaling mabigyan ng kasagutan. Pero, tiyak, kailangan ng malalim na pagbubulay-bulay, bago ito masasagot ng may kabuluhan.

Ano ba ang ibig sabihin ng “kasama si Jesus sa pagdiriwang ng Pasko”? Sapat na ba ang pagsasabing, oo, kasama nga si Jesus sa pagdiriwang ng Pasko?

O, may mas matinding dapat iniisip, sinasalita, o ginagawa, ang mga tao upang tunay nga nilang makakasama si Jesus sa kanilang pagdiriwang ng Pasko?

***

PUWEDE BANG IPAGDIWANG ANG PASKO KUNG WALANG PERA ANG TAO? Bahagi ba si Jesus sa pagdiriwang ng Pasko kung wala namang pera ang mga tao? O di kaya ay wala man lamang maihanda sa noche buena, o maibigay na regalo?

Makakasama lamang ba si Jesus sa pagdiriwang ng Pasko kung marangya ang pagdiriwang, sa hotel ang Christmas Party, kung saan may mga masasarap na pagkain?

At, sasama ba si Jesus sa mga magulong mga games, sayawan, awitan, o sa sa mga puwersahang pagbibigay ng bonus o ng 13th month pay sa mga manggagawa?

Kayo pong nagbabasa nito, ano ang inyong pananaw?

***

BF O GF NA IKINUKUMPARA ANG KANILANG BF O GR SA IBA, MAGIGING ABUSADO: Kapag ang inyong boyfriend o girlfriend pa lamang ay may ugaling inihahambing kayo sa ibang tao, sintomas ito na abusado ang nasabing boyfriend o girlfriend.

Ayon sa isang pag-aaral sa University of Western Ontario sa Canada, malamang ay magiging kawawa lamang ang boyfriend o girlfriend na inihahambing sa iba.

Mas makakabuting umiwas na ang isang lalaki o babae na ang boyfriend o girlfriend ay mahilig magkumpara. Gulo lamang tiyak ang dala nila.

***

Hindi man sinabi ng mga dalubhasa sa psychology, madalas ay broken family ang pamilya kung saan ang tatay o nanay ay mahilig magkukumpara sa iba.

HUWAG MAGMAMADALING MAKIPAG-BF O MAKIPAG-GF ANG MGA KABATAAN: Ano ang aral dito? Kailangan ng matinding pag-aaral muna bago makipag-boyfriend o girlfriend ang sinuman.

Ibig sabihin, huwag magmamadali sa pakikipag-relasyon ang mga binata at mga dalaga. pag-aralan munang mabuti ang nanliligaw, o ang liligawan.

Ayon sa 2 Corinto 6:14, dapat iwasan ang mga manliligaw o ang mga liligawan na di nananampalataya sa Diyos.

***

COMELEC, PINAGBAWALAN NA ANG SMARTMATIC SA RP ELECTIONS: Sa wakas, winakasan na ng Commission on Elections ang partisipasyon ng Smartmatic sa mga halalan sa Pilipinas, umpisa sa taong 2025.

Sa pasya ng Comelec, sinabi nitong hindi na nito papayagan ang Smarmatic na mangasiwa pa sa anumang eleksiyon sa bansa, sa isang mabigat na dahilan.

Lumilitaw kasi na iniimbestigahan ng gobyernong Amerikano ang Smartmatic sa kaso ng bilyong-pisong panunuhol kay dating Comelec Chief Andy Bautista.

May natuwa, pero mayroon din namang bumatikos, sa pasya. Sa harap ng mga ito, ang tanong: matatapos na ba ang dayaan sa mga halalan ngayong wala na ang Smartmatic?

***

DAYAAN SA HALALAN MAGPAPATULOY KAHIT WALA NA ANG SMARTMATIC, KUNG… Sa pananaw ng AND KNK, hindi ang pagbabawal sa Smartmatic sa anumang eleksiyon ang solusyon sa mga dayaan sa halalan.

Sng tunay na solusyon kontra dayaan ay iisa lang: pagbabago ng mga isip at puso ng Pilipino, tungo sa tapat na pakikinig at pagsunod sa mga utos ng Diyos.

Ang puso at isip ng maraming Pilipino ay tiwali, at laging puno ng kasalanan, kasi di sila nakikinig at di sumusunod sa mga utos ng Diyos, ayon sa Roma 3:23.

May Smartmatic man o wala, magpapatuloy pa din ang mga dayaan, kung kontrolado pa din ng diyablo ang mga Pilipino dahil di sila nagbabasa ng Bibliya.

***

MANOOD, MAKINIG (PART 1): KAKAMPI MO ANG BATAS, ala una ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa Radyo Pilipino Luzon, Visayas, at Mindanao, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/radyopilipino, facebook.com/attybatas, facebook.com/philiplmauricio, at YouTube.com/ Kakampi Mo Ang Batas.

***

MANOOD, MAKINIG (PART 2): AND KNK THE ONE’S CHANNEL, Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga, hanggang alas 9 ng gabi, sa facebook.com/ANDKNK, facebook.com/Ang Tanging Daan, facebook.com/attybatas, YouTube.com/AND KNK.

The post Kasama pa ba si Jesus sa Pasko 2023? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kasama pa ba si Jesus sa Pasko 2023? Kasama pa ba si Jesus sa Pasko 2023? Reviewed by misfitgympal on Disyembre 14, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.