Namahagi ng maagang pamasko sa mga batang pasyente ang kapulisan ng Manila Police District (MPD) upang maipadama ang diwa ng Pasko at pagmamahal sa mga musmos.
Sa pangunguna ni S/PMS Gerardo Tubera , Supervisor ng MPD-Dagupan outpost, bumisita at namahagi ito ng regalo sa mga bata mula sa Bahay Aruga (House of Care) sa San Marcelino St., Ermita, Maynila .
Dumaranas ang naturang mga bata ng sakit na cancer na patuloy na sumasailalim sa kanilang mahabang gamutan.
Kaya naman sa ganitong paraan sa pamamagitan ng pagbibigay ng munting regalo ay napasaya ni S/PMS Tubera ang mga pediatric cancer patients na pawang mga “out patient” .
Nagbibigay ang Bahay Aruga ng pansamantalang akomodasyon para sa mga batang may cancer na ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH) na bumibyahe o nanggagaling pa sa malalayong lugar at probinsya .
Itinayo ito noong 2014 upang mabawasan ang paghihirap ng mga pediatric cancer patients na sumasailalim sa matagalang gamutan at chemotherapy.
Ayon kay S/PMS.Tubera, batid niya ang pinagdadaanan ng mga batang cancer patient kaya naman kahit sa munting regalo ay mapasaya sila at madama ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.(Jocelyn Domenden)
The post Pediatric cancer patient, pinasaya ng MPD-Santa cop appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: