IBINAHAGI ni Presidential Communications Office head Secretary Cheloy Velicaria-Garafil nitong Sabado ang ‘blog’ ni Pangulong Bong Bong Marcos, na nagbabalita mismo na wala ng nalalabing
guerrilla front ang New People’s Army sa bansa Mula pa noong December ng nakaraang taon.
Sabi ng Pangulo ito raw ay bunga ng pagsisikap ng pamahalaan na tapusin o’ di man ay mabawasan ng bilang mga komunistang-teroristang rebeldeng upang mabigyang daan ang kapayapaan at kaunlaran sa mga kanayunan.
“Mapag-usapan din po natin ‘yung mga internal security threats ika nga. Ang mga kasama rito ay ang ating mga kapulisan, ang ating mga sundalo, ang Department of National Defense,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang video message na ibinahagi sa kanyang social media.
“Last year, nakapag-neutralize tayo ng 1,399 members of communist and local terrorist groups. Nakakuha tayo ng 1,751 na firearms, na baril through capture, confiscation, recovery, and sa mga surrender. Ngayon, may—maaari na nating maireport na wala ng active NPA guerrilla front as of December of 2023,” ang paglalahad pa ni PBBM.
Ang pagtatagumpay na ito ay pagpapakita ng kagustuhan ng pamahalaan ng katatagan at kapayapaan ayon kay Pangulong Marcos na pinasalamatan din ang lahat ng kasama sa Sandatahang Lakas at kapulisan.
Itong mga pagsisikap ng magkahlong sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of National Defense (DND), at ng iba pang ‘government intelligence agencies’ ang umani ng pasasalamat ng Pangulo.
“Sa tulong ng ating AFP, PNP, at intelligence agencies, patuloy lamang ang ating kampanya laban sa terorismo sa loob ng Pilipinas,” sabi ni PBBM.
Kasabay din nito noong isang linggo ang pamimigay ng Marcos administration ng kabuuang P91.47 milyong piso sa mga dating rebeldeng nagsisuko na at sumailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) package na pinamamahalaan Department of the Interior and Local Government.
Ang programang ito ang naghihikayat sa mga CPP-NPA-NDF na magbalik loob lamang sa pamahalaan, ay matutumbasan pa ng financial assistance para sa muli nilang pagsisimula ng kabuhayan para mapabilang uli sa tamang lipunan.
Sa ulat nga ng DILG, mayroon na raw 1,119 mga dating rebelde kabilang na rito ang 821 NPA fighters at 298 miyembro ng Militia ng Bayan (MB) ang nakinabang na sa nasabing halaga
Saan ka pa? Dati ka nang nakapanggulo eh nabiyayaan ka pa ng kabuhayan package kapag inihinto mo na ang mali niyong nagawa para sa bayan.
The post ANG BLOG NI PBBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: