Hindi lang nakakaalarma ang pagkawala ng mga case folder ng mga tiwaling pulis dito sa National Capital Region Police Office (NCRPO) bagkus ay mahiwaga ring maituturing sa kasaysayan ng Philippine National Police (PNP).
Ang pagkawala ng mga case folder na ito ay nadiskubre ni NCRPO Chief Maj. Gen.Jose Melencio Nartatez Jr. nito lang nakalipas na buwan bago pumasok ang taong 2024.
Sa kabila ng ginagawang cleansing ni Gen. Nartatez sa hanay ng kapulisan dito sa NCRPO, biglang sumagi umano sa kanyang isipan na silipin ang mga kasong kinakaharap ng ilang pulis na kanyang iniimbestigahan.
Dito na sa situwasyong ito aniya niya naisipang tingnan ang mga case folder ng mga ito upang rebisahin na nagkataong hindi niya nakita at nawawala na pala.
Ayon kay Gen. Nartatez, karamihan ng mga kasong kinakasangkutan ng mga ito ay Absent Without Official Leave (AWOL), Grave misconduct, Threat, Drug-related incident at iba pang kasong administratibo.
Sensitibo at napakahalaga ng mga dokumentong ito na dapat ingatan at protektahan ng husto sa abot ng maka-kayanan dahil dito ibabase ang anumang aksiyon o’ di kaya’y kaparasuhang ipapataw sa pulis na may kaso.
Maaaring may resolution na rin nabuo at ito ay naka-saad din sa case folder na kung saan pwedeng suspendido o’ sibak na sa serbisyo ang akusado. Ganito kahalaga ang folder na ito kung kaya’t pwedeng maudlot, mag-tagal hanggang sa mabimbim ng tuluyan ang kaso ng isang pulis na nasa-sakdal.
Mantakin mong parang isang mahika na nawala na lang ito ng basta-basta. Mahiwagang talaga ang ganitong klase ng insidente na kung saan ibang klaseng nilalang lang ang pwedeng gumawa at lumikha.
Natural lang na ma-alarma ang kina-uukulan pero mas hamak na nakakagulat ang bum-balot na hiwaga sa biglang pag-kawala ng dokumentong ito, di po ba?
Wala umanong kaduda-duda na nasa hanay din ng kapulisan ang arkitekto’t enhinyero ng modus na ito at syempre pa, nasa loob mismo ng institusyon ang siguradong nasa likod nito.
Sinabi ni Gen. Nartatez na siyento porsyentong may sabwatan ang mga akusado at ang mga taong pinagkatiwalaan at pinamahalaan ng case folder. Malaking halaga ng pera rin umano ang namamagitan dito.
Malaki rin aniya ang posibilidad na may alam din ang ilang tao na gumawa ng draft resolution o di kaya’y ang mga taong nagsagawa ng summary hearing procedure.
Sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na kasalukuyan ng gumugulong na ang imbestigasyon hinggil sa insidenteng ito at siguradong mag paglalagyan ang mga taong sangkot dito.
Binigyan din niya ng direktiba ang lahat ng mga Regional Commander sa buong bansa na silipin agad ang mga case folder ng mga pulis na kanilang nasasakupan.
Sa karkulasyon naman ni Gen. Nartatez ay nasa 5% lang daw ang mga tiwaling pulis sa NCRPO at pipilitin daw niyang ubusin ang mga ito hanggang sa matapos ang kanyang termino.
Ibang klase rin ang hiwagang bumabalot dito sa pagkawala ng mga folder case ng mga tiwaling pulis na kinokonsidera rin ng marami na isang milagro kung sakaling hindi ito lumagpas at tuluyang makalusot.
The post Pagkawala ng mga case folder ng mga tiwaling pulis sa NCRPO, hindi lang nakaalarma, mahiwaga rin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: