
PINASALAMATAN ni Senador Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa deklarasyon nito sa tuwing 4th Sunday ng Nobyembre bilang National Bicycle Day sa pamamagitan ng Proclamation No. 1052.
Sinabi ni Go na dapat lang na bigyan pa ng kaukulang suporta ang mga siklista lalo na ngayong dumadami ang gumagamit nito bilang transportasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kaugnay nito, sinabi ni Go na dapat masiguro na maprotektahan sila at ma-promote ang pagbibisikleta bilang healthy at environment-friendly mode ng transportasyon.
Matatandaang una nang tiniyak ni Go na suportado niya ang paggamit ng bisekleta sa gitna ng pandemya habang hangadniyang maiparating sa taumbayan ang benepisyo ng non-motorized transportation sa kapaligiran.
Binigyang-diin ni Go na sa panahon ngayon, dapat nang isipin ng mga Pilipino kung paanong makakatulong ang lifestyle sa kalusugan.
Muli rin hinimok ni Go ang sambayanan sa paggamit ng bisekleta sa gitna ng pandemya upang makaiwas sa pakikipagsiksikan sa mga public transport.
Bilang patunay nito, namimigay si Go ng bisekleta sa ilang mga biktima ng sunog at pagbaha. (Mylene Alfonso)
The post P-Duterte pinasalamatan ni Sen. Go sa deklarasyon ng “National Bicycle Day” appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: