LAGUNA – Isa na namang bagong retirong pulis ang pinaslang sa Sitio Silangan Village, Barangay Canlubang, Calamba City, Sabado ng umaga.
Sa ulat ni Provincial Information Officer (PIO) Lt. Col. Chitadel Gaoiran kay Laguna Provincial Director Col. Serafin Petalio II, nakilala ang biktima na si retired (optional) SPO4 Edwin Garcia Chavez, 49, may asawa, residente ng Bgy. Canlubang.
Sa imbestigasyon, 5:15 ng umaga ng Sabado nang maganap ang insidente. Naglalakad ang biktima para bumili ng sigarilyo sa tindahan nang sumulpot ang isang lalaking may bitbit na M16 rifle at pinutukan ng sunud-sunod ang dating pulis, na nasawi noon din dahil sa mga tama sa ulo at katawan nito.
Mabilis na tumakas ang salarin patungo ng kabayanan.
Sa talaan ng pulisya, noong Miyerkoles (Pebrero 24) ay pinaslang din ang returadong pulis na si Apolonio Narrido Jr., 52, sa loob mismo ng barangay hall ng Mapagong, Calamba City kungsaan nagsisilbing hepe ng Bantay Bayan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Chavez. (Dick Garay)
The post ISA PANG RET. POLICE TINUMBA SA LAGUNA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: