Facebook

Sunud-sunod na pagdukot sa Pulis-Maynila

DALAWANG Pulis-Maynila na ang dinukot ng mga armadong maskmen sa nakalipas na pitong araw.

Unang dinukot si Corporal Allan Hilario, 30 anyos, ng Manila Police District Station 11 sa Binondo noong Pebrero 18, Huwebes.

Sobrang lakas ng loob ng mga dumukot kay Hilario. Mismo sa kanyang duty sa PCP outpost sa corner ng San Fernando at Sto. Cristo streets, Binondo siya kinuha ng hindi bababa sa limang armadong maskmen na sakay ng dalawang SUVs bandang 2:00 ng hapon.

Ang nakapagtataka, nag-iisa lang si Hilario nang mangyari ang pagdukot. Gayung “buddy system” ang mga pulis kapag on duty.

Tiyempo lang kaya ang pagdukot kay Hilario o planado talaga kaya wala siyang ka-buddy nang kunin siya? Hmmm…

Si Hilario ay na-assign sa anti-drugs noong 2017 at may pending adminisrative case.

Sumunod na kinidnap ng mga armadong maskmen si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41, ng MPD Police Station 7 sa Abad Santos, Tondo.

Pero ‘di katulad ni Hilario na nasa active duty, si Tesoro ay under suspension.

Kinuha si Tesoro sa kanyang bahay sa V. Mapa Extention sa Barangay 601 bandang 10:00 ng umaga nito lamang Miyerkoles, Pebrero 24, eksakto isang linggo ng pagkadukot kay Hilario.

Tulad sa nangyari kay Hilario, dalawang SUVs din ang ginamit ng mga armardong maskmen na tumangay kay Tesoro.

Ang live-in partner ni Tesoro na si Mary Ann Gervacio, 31, ang nag-report sa pulisya sa insidente ng pagdukot.

Sa kabila ng magkasunod na pagdukot sa dalawang alagad na ito ng MPD, tila malamig ang Philippine National Police sa pagresolba sa kaso. Tila dedma lang kay Chief PNP Debold Sinas. Nakapagtataka di ba, mga pare’t mare?

May mga lumalabas na kuwento na ang dalawang dinukot na pulis ay kasama sa limang suspek sa hulidap sa isang Chinese na operator ng POGO na nakunan daw ng grupo ng P40 milyon!

Sa initial investigation ng mga otoridad, si Hilario ay nagmamay-ari ng dalawang sasakyang “hot cars” at 2 motorsiklo.

Pero sabi ng kapatid ni Hilario, wala namang malaking pera ang kanyang kuya. Mayroon lamang itong maliit na negosyo.

Ayaw namang magsalita ang pamunuan ng MPD kung bakit nasuspinde si Tesoro.

Kung sina Hilario at Tesoro nga ay kasama ng limang nanghulidap sa Tsinoy, that means naka-program naring mawala ang tatlo pa. Mga pulis rin kaya ang tatlong ito? Subaybayan!

***

Sabi ni Pangulong Rody Duterte sa kanyang public address last Wednesday night, ang mga otoridad na nakasuhan ng graft o droga at nadismis sa serbisyo, tiyak gagawa at gagawa parin ito ng kriminalidad. Kaya ‘di na raw sila dapat …

Alam na natin kung ano ang ibig sabihin dito ni Pangulo. Hehe…

Parang ganito ang pagdukot kina Hilario at Tesoro at ang malamang na mangyari sa tatlo pang suspek sa hulidap sa POGO operator.

Kung bakit naman kasi na sa kabila ng ginawa ni Pangulong Duterte na 100 percent increase sa suweldo ng uniformed personnel ay patuloy parin sa paggawa ng kriminalidad itong ilang miyembro ng PNP. Tama lang talaga silang mawala…

***

Talamak na naman ang shabu sa mga barangay sa Metro Manila partikular sa Maynila, Pasay at Quezon City. Ibig sabihin ay marami paring tulak sa kabila ng napakarami nang pinaslang.

Hindi naman maglalakas-loob itong mga tulak kung wala silang sinasandalang pader, kung mahina ang kanilang pinagkukunan ng shabu. Baka nga pulis o PDEA pa ang supplier nila eh. Mismo!

The post Sunud-sunod na pagdukot sa Pulis-Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sunud-sunod na pagdukot sa Pulis-Maynila Sunud-sunod na pagdukot sa Pulis-Maynila Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.