NANAWAGAN si Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go sa mga kinauukulan na mahigpit na ipatupad ang mga regulasyon sa paggamit, pagbili, pagmamanupaktura ng E-cigarettes at tobacco products.
Sa pampublikong pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, sinabi ni Go na suportado niya ang desisyon ng health experts sa nasabing isyu.
“Maganda na mayroong mas mahigpit na regulasyon ang ating awtoridad na may kaugnayan sa lahat ng uri ng e-cigarettes. Suportado ko po ito — ang mga polisiya na naglalayong mas maprotektahan ang kalusugan ng ating mamamayan sa pamamagitan ng mas mahigpit na regulasyon,” ayon kay Go.
Anang senador, sinusuportahan niya ang pagsusulong ng batas na magre- regulate sa mga produktong nagtataglay o nagbubuga ng potentially toxic o highly addictive substances na nakasasama sa kalusugan.
“We should not allow the unregulated use of these products and how it is easily accessed by minors. I also echo the advice of health officials and experts for the public to refrain from using vapes and e-cigarettes as the knowledge on the products is still limited,” ayon kay Go.
Ani Go, palagi niyang sinusuportahan ang mga hakbang na magpo-promote sa kaligtasan ng kalusugan at buhay ng bawat Filipino.
Idinagdag niya na dapat maging balanse ang pagre-regulate sa mga produktong alternatibo o less risky kaysa tradisyonal na tabako bilang proteksyon sa public health, lalo sa obhektibong pipigil sa pagkalulong dito ng kabataan.
“As chair of the health committee, uunahin ko po ang kapakanan ng bawat Pilipino, ang kalusugan nila. Kung ang usapin ay sa pagitan ng negosyante o kalusugan ng Pilipino, pipiliin ko po ang kalusugan ng Pilipino,” anang mambabatas.
Tinalakay sa pagding ang Senate Bills No. 496 o ang Vaporized Nicotine Products Regulation Act na inihain ni Senate President Vicente Sotto III; SBN 541 o E-Cigarette Regulation Act of 2019 na inihain ni Senator Miguel Zubiri; SBN 1951 o Vaporized Nicotine Products Regulation Act ni Senator Ralph Recto; at ang SBN 2099 o Vapes and HTPS Regulation Act na inihain ni Senator Pia Cayetano.
Layon ng mga nasabing panukala na i-regulate ang paggawa, importasyon, pagbebenta, distribusyon, paggamit, patalastas, promosyon, at sponsorship ng electronic nicotine delivery systems (ENDS) at electronic non-nicotine delivery systems (ENNDS), heated tobacco products (HTPs) at ng iba pang imitation tobacco products.
Ipinunto ni Go na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay gumawa ng hakbang laban dito sa pamamagitan ng paglalabas ng Executive Order No. 106 na nagbabawal sa manufacture, distribution, marketing at sale ng unregistered o adulterated electronic cigarettes, heated tobacco products o HTP, at iba pang novel tobacco products.
Sa ilalim ng EO 106, ang access sa electronic cigarettes at HTP ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga edad 21 taon pababa. Ang paggamit ng e-cigarettes at HTP ay kabilang din sa nationwide smoking ban.
“Kahit noong wala pang e-cigarette, inuuna na po talaga ni then Davao City mayor Duterte ang kalusugan ng kanyang constituents kaya, noon pa, mayroon nang mahigpit na Anti-Smoking Ordinance sa Davao City,” ani Go.
“Ang paggamit ng e-cigarette ay masama pa rin sa kalusugan, lalo na kapag menor de edad ang gumagamit. Nakababahala rin po na laganap ito sa kabataan,” sabi ng senador.
“Nineteen percent of regular e-cigarette users are youth aged ten to nineteen years old. This is way above the regular cigarette users among the youth which is at six percent,” aniya pa. (PFT Team)
The post Estriktong regulasyon sa E-Cigarettes, tabako ipatupad — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: