Facebook

Ex-Pulis huli sa rape

MATAPOS ang higit dalawang taon na pagtatago sa batas, natimbog ang dating pulis na gumahasa at nangmolestya sa kanyang dalawang step daughters ng mga pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police Office, Regional Intelligence Unit 3, CID-IMEG at ng Plaridel Municipal Police Station sa Barangay Bintog, Plaridel Bulacan, Lunes ng tanghali .
Kinilala ang nadakip na si dating Po3 Bernard Villena, dating Pulis Maynila at nakalista sa DILG bilang most wanted person na may reward na P135,000.00 sa makapagtuturo rito.
Dating nakatalaga si Villena sa Manila Police District (MPD). Na-recruit siya sa PNP taon 1997 at na-dismiss sa serbisyo July 20, 2018 dahil sa kasong panggagahasa sa kanyang 12-taon gulang na anak at pangmomolestiya sa kanyang 2 step daughters sa Valenzuela City.
Ayon sa report na ipinadala kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, MGen. Vicente Danao Jr., inaresto si Villena sa bisa ng isang arrest warrant mula kay Judge Mateo B. Alterejos ng RTCNCJR Branch 16-FC ng Valenzuela City para sa kasong Rape and Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610.
Sinabi naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na ang mga ginagawang intelligence effort ng PNP ay para habolin at ikulong ang mga wanted person kasama na ang police scalawags. (Jose Koi Laura/ Mark Obleada)

The post Ex-Pulis huli sa rape appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-Pulis huli sa rape Ex-Pulis huli sa rape Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.