MASKI na paunti-unti ay nakakakita na ng liwanag sa dilim ang mga pinoy matapos ang isang taon pakikipagsapalaran sa pandemyang dulot ng covid19.
Ang liwanag na ito ay sumisimbolo ng pag-asa sa kabila ng mga hirap at sakripisyong dinanas sa salot na virus na dumapo sa ating bansa.
Nabuhayan ng loob ang ating mga kababayan sa pagdating ng bakunang pwedeng makasugpo at panlaban man lang sa pesteng covid19.
Sa pagdating ng mga bakunang ito mula sa China, nagkaroon ng positibong pananaw ang mga pinoy na umaasang mapapit na nating ma-lagpasan ang krisis na ito.
Minimithi ng isa’t isa na ito na sana ang maging hudyat upang makabangon muli ang bawa’t Pilipinong napahirapan sa panahon ng pandemya.
Harinaway umandar na anila ang ekonomiya na lumubog bunga ng mga negosyo’t kompanya na napilitang magsara sanhi ng virus.
Sana’y bumalik na nga naman sa normal ang lahat kabilang na ang mga trabaho, hanapbuhay at negosyo na matagal ring nahimlay.
Ang mga bakunang ito ay lumalabas na ating liwanag sa kabila ng mahabang panahon ng kadiliman na para bang wala ng pag-asa’t katapusan.
Maraming kababayan natin ang nagalak, lumakas ang loob at muling umasa na malapit na nating lagpsan ang krisis na ito.
Muling nanumbalik ang dating sigla ng mga pinoy na dati’y binalot na ng takot at pangamba ang mga puso dulot ng pandemyang ito.
Ang pagpapabakuna ay pinangunahan ng ilan lider ng ating bansa kabilang na ang ilan miyembro ng kabinete at mga prominenteng tao sa ating lipunan.
Ang hakbang na ito ay upang mawala ang takot at pangamba ng ating mga kababayan na hanggang sa kasalukuyan ay nagdadalawang isip pa rin.
Sa ngayon ay meron tayong 600,000 dose ng bakunang Sinovac na gawa at donasyon ng bansang China bilang tulong na walang ina-asahang kapalit.
Hinihikaya’t ng ating gobyerno ang sambayanan na magparehistro upang mabakunahan na sa lalong madaling panahon.
Sinabi rin nila na ligtas at aprubado ng World Health Organization (WHO) ang Sinovac. Huwag na nga naman mag-alinlangan pa dahil ito ay pa rin sa sarili nilang kapakanan.
Marami nga naman iba pang tatak ng mga bakunang gawa sa iba-ibang bansa nguni’t ang lahat ng ito ay ligtas at dumaan na sa lahat ng pagsubok.
Hindi nga naman ito aaprubahan ng WHO kung hindi ito ligtas at magkakaroon ng masamang epekto sa mga tao, sentido komon lang nga naman.
Ito na ang liwanag at hudyat upang muli tayong makagalaw, makabangon at umusad. Ito na rin ang takda upang bumalik sa dati ang kalakaran sa ating bansa.
Ito na ang liwanag ating minimithing maaninag matapos ang matafal na panahon na tayo’y nasa kadiliman. Sana’y maresolba na ang krisis na ito na halos isang taon din tayong pinahirapan, hindi lang tayo kundi ang buong mundo.
The post Liwanag sa dilim… appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: