HINAHANAP na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa likod ng online scammers na humihingi ng pera para sa pagpagamot umano ni Luis Antonio Cardinal Tagle.
Personal na nagtungo sa NBI Anti-Cybercrime office ang pinsan ni Tagle na si Ramon Ramos para i-report ang scammers gamit ang Facebook Messenger nito.
Sinabi nito na nagpapanggap ang scammers na humihingi ito ng pera dahil nasa pagamutan umano ito.
Kasalukuyang nasa Roma si Tagle matapos italaga ito ni Pope Francis bilang ‘Prefect of the Congregation for Evangelization of People.
Naniniwala si Ramos na nakakulimbat na ang suspek ng ilang libong halaga ng pera mula sa mga biktima nito.
Sinabi naman ni NBI Anti-Cybercrime Division chief Victor Lorenzo na maaaring may na-click na link si Ramos kaya nakontrol ng scammers ang messenger nito. (Jocelyn Domenden)
The post Online scammers ginagamit si Cardinal Tagle, hinahanting ng NBI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: