PINABABALIK na sa pwesto ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang sinibak na intelligence chief ng AFP na si Maj. Gen. Alex Luna, at Civil Military Operations (CMO-J7) chief Major Gen. Benedict Arevalo matapos mabatid na walang kinalaman ang mga ito sa paglabas ng umano’y red tag list.
Matapos ang ilang buwan na pag-iimbestiga kaugnay sa nasabing kontrobersiya, napatunayan na walang kasalanan ang dalawang heneral dahilan para pinare-report na sila muli sa kanilang pwesto.
Ayon kay Lorenzana, kaniyang binalaan si Gen. Luna na ayaw na nitong may mangyari pang kahalintulad na insidente.
Nilinaw ng kalihim na hindi pa “cleared” sa liability ang dalawang heneral, bagkus sila ay naparusahan dahil sa ‘command responsibility’.
Giit ni Lorenzana, naniniwala siya sa “second chances” kaya pina-reinstate niya sa pwesto ang dalawang heneral.
Aniya, nadamay lamang ang dalawang opisyal sa hindi nila kasalanan, kaya nararapat lamang na bigyan sila ng panibagong pagkakataon.
Sinibak sa pwesto ni Lorenzana si Luna noong Jan. 28, 2021 matapos malathala ang isang listahan ng mga indibidwal na na-red tag bilang miyembro ng NPA at napatay ng militar sa operasyon.
Si M/Gen. Benedict Arevalo naman, bagamat hindi siya sinibak sa pwesto, ay kusa itong nagbitiw dahil sa kontrobersiya dahil ang kaniyang opisina ang nag-publish ng nasabing listahan.
Ang nasabing red tag list ay nagmula sa opisina ni Luna sa OJ2.
The post Sinibak na AFP intelligence chief binalik sa pwesto appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: