SA kabila ng babala ng Department of Interior and Local Government (DILG), patuloy na iginigiit ng isang punong barangay sa Rizal na isama sila sa mga unang batch ng mga tuturukan ng bakuna kontra COVID-19 – isang bagay na agad sinagot ng kagawaran.
Ayon mismo kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, sasampahan nila ng kaso ang mga magpipilit at lalabag sa National Deployment and Vaccination Plan na nagtatakda ng detalyadong priority sectors na dapat unahin.
Sa isang liham na ipinadala ni Kapitan Rasel Valera ng Barangay San Juan, kinuwestyon niya ang aniya’y pagtanggi ng Taytay municipal health office na siya ay bakunahan noong Marso 21 makaraang dumating ang humigit kumulang 2,000 doses ng AstraZeneca vaccines.
Giit ni Valera, dapat siya mapabilang sa unang batch ng mga bakunahan laban sa COVID-19 dahil siya ay bahagi ng Barangay Health Emergency Response Team.
Gayunpaman, nilinaw ni DILG Usec. for Barangay Affairs Martin Diño na wala talaga sa talaan ng priority sectors ang mga punong barangay.
Panawagan pa ni Diño sa mga kapitan, hintayin nalang nila ang resulta ng petisyong inila-lobby ng Liga ng mga Barangay – “Ginusto niyong maging Kapitan, panindigan niyo. Bagamat naniniwala akong may basehan naman ang iginigiit niyo, mas dapat na maging huwaran kayo sa inyong pamayanan. Pag sinabing hindi pwede, hindi talaga pwede.”
Pagkatapos bakunahan ang healthcare workers, agad naman isusunod ang may 25,000 senior citizens sa nasabing bayan.
Nagpahayag din ng hinanakit ang mga nangangasiwa sa pagbabakuna kaugnay ng paratang na pinupulitika ang isinasagawang pagtuturok ng bakuna para sa mga priority sectors. Paliwanag ng local vaccinators, sumusunod lamang sila sa Department of Health na una nang nagbabalang kakasuhan ang mga nangangasiwa sa mga vaccination center sa sandaling sila’y tumaliwas sa “priority list of vaccine recipients.”
The post Bgy. kapitan sa Rizal giit maunang mabakunahan kesa frontliners at seniors appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: