ABOT sa P10.2 milyon ha-laga ng shabu ang nakuha sa isang ‘high-value target’ drug suspects sa buy bust operation sa Lanao del Sur, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang naaresto na si Romie Diamillah Hadji Alawi.
Sa report, nahuli si Alawi ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at mga sundalo sa ilalim ng Marine Battalion Landing Team (MBLT-5), at 55th at 82nd Infantry Battalions ng Army sa Barangay Matalin, 11:40 ng umaga.
Ayon kay Director Juvenal Azurin ng Philippine Drug Enforcement Agency – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM), nakuha sa suspect ang 1.5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million bukod pa sa isang pistola at puting Toyota HILUX (NEN 2109).
Sampahan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
The post P6.8m shabu nasabat sa Lanao del Sur appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: