Dismayado at ipinaggiitan ni Senator Grace Poe na pag-ibayuhin ng mga telecommunication companies (telcos) ang pagseserbisyo dahil sa sobrang bagal o hina ng internet connectivity lalo pa at ito ang isa sa pangunahing pangangailangan ngayong may pandemya na dulot ng COVID-19.
Si Sen. Poe na siyang Chairperson ng Senate Committee on Public Services ay mahigpit na pinaalalahanan nito ang mga telcos na ang mandato ng mga ito sa ilalim ng Bayanihan Act 2 ay ang pagbibigay at mapamalagi ang kalidad ng internet connectivity service para sa mga tao.
“The pandemic has brought big shifts in our daily life routine. One such change is the transition to distance learning making use of the internet. This is a huge challenge because internet connectivity in this country is a big disappointment,” pahayag ni Sen. Poe.
Upang maagapan ang hindi magandang pangyayari ay inirekomenda ni Poe na kinakailangan ang strong partnership sa pagitan ng Department of Education, private sector at lahat ng stakeholders sa ating educational system.
Iginiit ni Poe na dapat ay walang bata ang maiiwan sa edukasyon at ang lahat ng mag-aaral ay dapat na mabigyan ng patas na oportunidad para sa kalidad na edukasyon.
Sa kahinaan sa serbisyo ng internet ay ipinapanukala rin ni Poe na ang ibinabayad na halagang P3,500 sa mga telco ay gawin na lamang P1,500 kada-buwan dahil ang mga guro ay nangangailangan din ng suporta para sa online-teachings.
The post SEN. POE DISMAYADO SA TELCOS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: