Facebook

Facemask all the time

MULING nagbigay ng direktiba ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) at pambansang pulisya na magsagawa ng crackdown laban sa quarantine violators dahil sa pagtaas na naman ng coronavirus 2019 (COVID-19).

Binanggit ng DILG ang mga lungsod at lalawigan na biglang tumaas ang covid cases sa nakalipas na ilang araw. Ito ay ang Navotas City, Malabon City, Pasay City, Cebu City at Cebu Province.

Nagbabala naman si Manila Mayor Isko Moreno na isai-lalim sa lockdown ang lungsod kapag tumaas pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa China virus.

Ang pagsirit ng bilang ng mga nahahawaan ay bunga ng pagluwag ng quarantine para makausad ang lugmok nang ekonomiya ng bansa na nasa isang taon nang nasa ilalim ng general at modified community quaratines.

“Kailangang patawan ng kaukulang sanctions ng mga LGUs ang mga matitigas ang ulo na hindi sumusunod sa health protocols. Ang pagsuway at pagkakamali ng iilan ay katumbas ng mas maraming kaso,” diin ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr.

Oh… LGUs… magtrabaho kayo! Higpitan ang inyong constituents sa pagsunod sa health protocols tulad ng pagsuot ng facesmask ‘pag lumabas ng bahay at social distancing. Ang ayaw sumunod, patawan ng sanctions.

PNP… gawin nyo rin ito. Sitahin ang mga naglalakad na walang facemask. Pag tumanggi, bitbitin nyo sa prisinto, ikulong, ‘wag nyo lang barilin!

***

Mga pare’t mare, ugaliin na natin ang pagsuot ng facemask paglabas ng bahay, may COVID-19 man o wala. Proteksyon narin ito sa ating kalusugan.

Oo! Masyado nang polluted ang kapaligiran, maraming virus na dala ang hangin gawa ng polusyon mula sa mga pabrika, usok ng mga sasakyan, nagkalat na basura at iba’t ibang sakit na nagmumula naman sa mga hayop. Lahat nang ito’y ating malalanghap, papasok sa ating katawan kapag wala tayong facemask.

Kaya itong facemask gawin na natin itong forever. Mismo!

***

Sa patuloy na pagtanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na siya’y tatakbo sa pagkapangulo sa 2022, sa kabila ng patuloy na pagkalat ng “Run Sara, Run” tarpaulins at pag-iikot ng mga tumutulak sa kanyang kandidatura, lumutang naman ngayon ang “Go-Duterte” tandem 2022.

Ito’y ang tambalang Senador Bong Go para Presidente at graduating President Rody Duterte para Bise.

Si Bong Go ay 21 years nang “kanang kamay” ni Duterte simula mayor pa ang huli ng Davao City.

Kung Go-Duterte nga ang tandem sa 2022, paano na sina Bongbong Marcos, Manny Pacquiao at Cynthia/Mark Villar na umaasam maging Bise ng sinumang iendorso sa pagka-pangulo ni Digong? Tapos pareho pa silang taga-Mindanao. Hmmm… Sabi ng political analyst na si Ramon Casipli: “Di maganda yan.”

Puede siguro kung pumayag sina Marcos, Mark Villar na maging Senador nalang.

At si Pacquiao ay mag-reelect bilang senador.

Pero kapag tumindig si Pacquiao na tatakbong Pangulo, tiyak mahahati ang boto ng masa sa pagitan nila ng supporters ni Duterte.

Ang mananalo, malamang ay si Leni Robredo. Mismo!

Sa Oktubre na ang filing ng certificate of candidacy.

The post Facemask all the time appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Facemask all the time Facemask all the time Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.