UMAKYAT na sa 600,428 ang kabuuang bilang ng nagpopositibo sa Covid-19 sa bansa matapos makapagtala ng 2,668 bagong kaso ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Marso 9.
Samantala ay mayroon namang naitalang 171 na gumaling at 7 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.0% (41,822) ang aktibong kaso, 90.9% (546,078) na ang gumaling, at 2.09% (12,528) ang namatay.
Kaugnay pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso sa ilang mga lungsod, inatasan na ng DOH at Inter-Agency Task Force ang mga local government units o LGUs na magpatupad ng localized lockdown sa kanilang nasasakupan kapag nakitaan ng paglobo ng kaso sa mga barangay o komunidad. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 171 gumaling; 7 nasawi; 2,668 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: