Facebook

‘Tanim-ebidensiya’ sa regionwide police ops itinanggi ng PNP-Calabarzon

MARIING itinanggi ng pamunuan ng Police Regional Office -4A Calabarzon ang alegasyong “tanim-ebidensiya” kaugnay sa ikinasa nilang regionwide police operations laban sa mga komunistang rebelde kungsaan siyam ang patay, anim ang arestado, habang siyam ang at large.
Ikinasa ang mga operasyon sa probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.
Ayon kay PNP PRO-4A Regional Police Director, BGen. Felipe Natividad, walang katotohanan ang alegasyon ng ilang grupo na “tanim-ebidensiya” ang ginawa ng mga pulis lalo na duon sa mga inarestong indibidwal.
Sinabi ni Natividad, legitimate ang kanilang operasyon at ang mga nahuling personalities ay positibong tinukoy ng kanilang intelligence report at isinailalim sa malalimang verification at validation kungsaan natukoy ang kanilang involvement sa rebeldeng grupo.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA10591 at RA 9516 ang anim na nahuling indibidwal.
Isinailalim narin ang mga ito sa booking process at medical examination.
Tumanggi muna si Natividad na pangalanan ang anim na nahuli sa operasyon.
Samantala, nilinaw ni PRO-4A Calabarzon spokesperson Lt. Col. Chitadel Gaoiran na ang target ng kanilang operasyon ay ang mga indibidwal na sakop sa inilabas na search warrant ng korte.

The post ‘Tanim-ebidensiya’ sa regionwide police ops itinanggi ng PNP-Calabarzon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Tanim-ebidensiya’ sa regionwide police ops itinanggi ng PNP-Calabarzon ‘Tanim-ebidensiya’ sa regionwide police ops itinanggi ng PNP-Calabarzon Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.