Facebook

Pagbabakuna sa senior citizen na health workers umarangkada sa Maynila

SINIMULAN na Martes ng umaga, Marso 9, ang pagbabakuna ng AstraZeneca vaccine sa mga healthcare workers na senior citizen o 60-anyos pataas sa Maynila.
Unang nabakunahan ng AstraZeneca vaccine si Dr. Mario Lato, 62 anyos, general surgeon sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Ginanap ang pagbabakuna sa Ospital ng Maynila Medical Center kungsaan nilaanan ng national government ang Maynila ng nasa 1,000 doses ng AstraZeneca vaccine.
Hindi naman itinitigil ang pagbabakuna sa health workers na hindi senior citizens gamit ang Sinovac vaccine na isinasagawa sa Sta. Ana Hospital.
Dumalo sa vaccination program sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, kasama rin si Dr. Karl Laqui na Medical Director ng Ospital ng Maynila.(Jocelyn Domenden)

The post Pagbabakuna sa senior citizen na health workers umarangkada sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagbabakuna sa senior citizen na health workers umarangkada sa Maynila Pagbabakuna sa senior citizen na health workers umarangkada sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.