Facebook

1 nalitson sa sunog sa Malate

PATAY na nang matagpuan ang isang ginang na unang naiulat na nawawala sa sunog sa Pablo Ocampo Street, Malate, Manila nitong Martes.
Kinilala ang nasawi na si Lyndia Montero Bernal, 69 anyos, ng Pablo Ocampo St., Malate.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, natagpuan ang bangkay ni Bernal sa loob ng banyo ng nasunog nitong bahay.
Sabi ng anak ng ginang na si Lilibeth Bernal, una nilang tinulungang makalikas ng bahay ang kanilang matandang ama pero nagulat sila na hindi pala nakasunod ang kanilang ina.
Ilang oras din silang naghanap sa lugar pero 8:00 na ng umaga nang makita ang bangkay ng kanilang ina.
Pasado 3:00 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa Malate.
Nabatid na nagsimula ang sunog sa unang palapag ng bahay ng isang Danilo Arce.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire out 6:15 na ng umaga.
Tinatayang nasa kalahating milyon piso ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy at nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Nananatili ngayon sa kahabaan ng Adriatico St. at sa tapat ng Rizal Memorial Stadium ang mga nasunugang residente. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)

The post 1 nalitson sa sunog sa Malate appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1 nalitson sa sunog sa Malate 1 nalitson sa sunog sa Malate Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.