Facebook

Tagaytay ‘di tatanggap ng evacuees mula Batangas

NAGLABAS ng isang advisory si Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino bilang babala sa mga residente ng siyudad sakaling magkaroon muli ng pagsabog ang Taal Volcano.
Unang-una, dapat na mag-antabay lang ang mga residente ng mga anunsyo sa radyo, telebisyon, social media at iba pang sources ng mga impormasyon hinggil sa kalagayan ng Taal.
“Sa kasalukUyan, walang paglikas na kinakailangan para sa mga mamamayan ng Tagaytay. Pinapayuhan lang ang lahat na mag-antabay ng anunsyo sa radyo, telebisyon, social media at iba pang daluyan ng impormasyon,” panimula ng advisory mula sa alkalde.
Pinayuhan din ni Mayor Tolentino ang kanyang mga nasasakupan na sakaling muling pumutok ang bulkan ay dapat manatili lang sa loob ng bahay ang lahat, isara ang mga bintana at anumang maaaring pasukan ng hangin at alikabok.
Hindi umano ligtas na lumabas ng bahay dahil lubhang mapanganib ang pagkalanghap ng volcanic ash.
Binigyang-diin ng alkalde na kung sakaling itaas ng Phivolcs sa alert level 3 ang Taal at kailanganin nang lumikas ang mga mamamayan ng Batangas, ang mga evacuees ay hindi maaaring tanggapin ng mga taga-Tagaytay kahit kamag-anak pa nila ang mga iyon.
Dapat daw dalhin ang evacuEes sa itinakdang drop off areas upang sumailalim sa COVID-19 testing, makuhanan ng mga impormasyon at maayos silang mailipat sa mga nakatakdang evacuation centers sa iba’t ibang bayan ng Cavite.
Ayon kay Rod dela Roca ng Batangas City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang evacuees ay dadalhin muna sa Batangas Sports Complex na magsisilbing staging area kung saan sila isasailalim sa medical tests.
Ididiretso sa isolation facility ang magpopositibo sa COVID-19.
Hanggang 6,500 evacuees lang ang kayang tanggapin ng Batangas City upang makasunod sa social distancing.

The post Tagaytay ‘di tatanggap ng evacuees mula Batangas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tagaytay ‘di tatanggap ng evacuees mula Batangas Tagaytay ‘di tatanggap ng evacuees mula Batangas Reviewed by misfitgympal on Marso 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.