NAARESTO ng National Bureau of Investigation – Special Operations Group (NBI-SOG) ang isang lalaki na gumamit ng pangalan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go para sa pangingikil.
Tinukoy ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor ang suspek na si John Carlos Pedragosa Garcia.
Ayon kay Distor, nag-ugat ang operasyon mula sa reklamong inihain ng isa sa mga biktima.
Sinabi ng biktima na nagpakilala si Garcia na may koneksyon kay Sen. Go para manloko at makakuha ng iba’t ibang halaga ng pera sa mga negosyante at ilang indibidwal sa Albay, Laguna, Quezon at Rizal kungsaan umabot na sa higit P6 milyon.
Noong February 24, 2021, inilahad ng isa sa mga biktima sa NBI-SOG operatives na naloko rin siya ni Garcia at nakakuha ng P50,000.
Sinabi rin nito sa mga awtoridad ang iba pang pangalan na nabiktima ni Garcia.
Agad nagpunta ang mga operatiba ng NBI sa mga biktima upang hingan ng pahayag ukol kay Garcia.
Lumabas din sa record check na may kinakaharap na warrant of arrest si Garcia sa RTC Mandaluyong City dahil sa dalawang bilang ng Estafa.
Noong March 10, 2021, armado ng warrant of arrest, nahuli si Garcia sa isang resort sa Bolinao, Pangasinan.(Jocelyn Domenden)
The post Pangalan ni Sen. Bong Go ginamit sa pangongotong, suspek timbog ng NBI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: