MATAPOS kong talakayin few days ago sa kolum na ito ang kahalagahan ng paggamit ng body camera sa police operations, inanunsyo ng Palasyo na gagamit na ang Philippine National Police ng naturang gadgets simula sa Abril.
Ang PNP ay binigyan ng kongreso ng budget na P288 milyon para makabili ng body cameras noon pang 2019. Pero never pa natin nakitang ginamit ito ng mga operatiba sa kanilang mga ope-rasyon. Never!
Few months ago ay nagsagawa ng pagdinig ang Senado, sa pamumuno ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ukol sa natu-rang gadgets.
Kinuwestyon ni Bato, retired Chief PNP, ang pamunuan ng pulisya kung bakit ayaw gamitin ng kanilang mga operatiba ang mga body camera sa kanilang mga operasyon lalo sa pagsilbi ng search warrant, checkpoints, raid at anti-drug operations.
Ang palusot ng PNP, under training pa raw ang mga pulis sa paggamit ng naturang gadgets. Tsk tsk tsk… Higit isang taon nang nabili ang mga body camera na ito, hanggang ngayon pinag-aaralan parin ang paggamit? Eh on and off lang naman ito at may procedure na doon kung paano ito i-operate. Anak ng tokwa naman, General, Sir…
Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, simula sa Abril ay gagamit na ang mga operatiba ng PNP ng body cameras sa kanilang mga operasyon, upang magkaroon ng physical evidence kapag nagkaroon ng mga inquiry sa isyu. Dapat!
Anong silbi ng mga body cam na yan kung itatago lang sa bodega ng PNP? Aba’y P288 milyon ang halaga nyan, taxpayers money. Napakalaking sayang kung bubulukin lang ang mga ito sa tabi. Mismo!
Teka, baka naman depektibo ang mga gadgets na ito kaya ayaw gamitin? Hmmm…
***
Noong Marso 7, Linggo, siyam na aktibista ang napatay sa pagsisilbi lamang ng search warrants ng mga pulis at militar sa Calabarzon areas.
Subject for inquiry ang insidenteng ito. Maging ang international human rights groups ay pinaiimbestigahan ito sa gobyerno. Posibleng madagdag ito sa kaso ni Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC). Dahil nangyaring ang BLOODY SUNDAY matapos niyang ianunsyo sa harap ng mga opisyal ng PNP at AFP ang “kill, kill, kill” vs NPA.
Ang mga napatay na aktibista ay sinasabing mga miyembro ng NPA.
Kung may mga body camera ang mga pulis at militar na nagsilbi ng arrest warrant sa mga naturang aktibista, dili sana’y may maipapakitang physical evidence ang mga operatiba na “shooutout” ang nangyari at hindi basta lang pinatay ang siyam na mga militanteng indibidwal.
Yung nangyaring “ambush” kuno sa mayor ng Calbayog City, Samar kamakailan. Kung may bodycams ang mga pulis sa pinalalabas nilang “shootout”, dili sana’y makikita natin ang katotohanan, wala na sanang kuwestyon sa pagkakapatay sa mayor, kanyang mga badigard, at mga pulis na nakabarilan. Right?
Yung sinasabing “misencounter” sa ‘drug bust” sa pagitan ng PDEA at PNP sa Quezon City last month, kung may body cams ang mga operatiba ng magkabilang panig, wala na sanang mara-ming tanong kung sino ang may sala sa insidente na ikinasawi ng 2 pulis, isang PDEA agent at asset nito. Mismo!
Let’s see sa Abril… kung may body cams na ang mga pulis sa kanilang mga operasyon. Wish ko lang!!!
Abangan!
***
Muling nanawagan kahapon ang grupo ng magbababoy sa pamumuno ni dating Congressman Nicanor Briones na magbitiw na si Agriculture Sec. William Dar dahil “napakainutil” nito sa problema ng hog raisers sa bansa. Mismo!
The post PNP gagamit na ng body cams sa ops appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: