Facebook

We’re all IATF co-workers…

BUWAGIN ang IATF…palitan ang mga nagpapatakbo ng IATF…iyan ang panawagan at nais na mangyari ng ilan magagaling natin mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Bakit? Keyso palpak daw…naging basehan ng kapalpakan sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ay ang paglobo ng bilang ng nahawaan ng virus “COVID 19” na umabot sa mahigit 8,000 sa loob ng isang araw. Sa nasabing bilang, mula sa NCR ang pinakamalaking porsiyento ng infected.

Palpak nga ba ang IATF? Wala nga ba talagang nagawa ang TF simula noong nabuo ito noong nakaraang Marso 2020 nang umatake ang COVID sa bansa hanggang sa maging pandemic na ito?

Infairness naman sa TF, hindi naman sila palpak at sa halip ay baka may pagkukulang lang naman. Hindi naman perpekto ang bawat ahensya ng pamahalaan o maging ang mga pribadong sector. Lahat iyan ay may pagkukulang.

Hindi sa kinakampaihan natin ang pamahalaan partikular na ang IATF, pero ang suhestiyon ba na buwagin na lang o palitan ang mga nagpapatakbo nito ay napapanahon ba?

Napapanahon nga bang buwagin ang IATF o ang IATF nga ba ang may sala sa paglobo ng virus infected? Hindi nagkulang ang ahensya – parating pinaaalahanan ang publiko…at sa bawat kautusan o alituntunin na inilalabas nila laban sa COVID ay ibinababa sa local government units (LGUs) na siya namang nagpapatupad.

Hindi naman nagkulang ang karamihan sa LGUs pero may ilan LGUs naman na mababaw ang kanilang implementasyon sa health protocols na inilabas ng IATF. Naging ningas kugon ang kanilang implementasyon. Kaya ang resulta, dumarami ang infected sa kanila nasasakupan.

Pero ningas kugon man ang implementasyon basta’t ang importante ay pinaaalahanan na nila ang publiko kung paano protektahan ang sarili sa virus maging ang kanilang pamilya, nasa mamamayan na ang lahat kung sumunod sa pinaiiral na health protocol. Simple nga na lang ang pinagagawa sa mamamayan, magsuot ng face mask, face shield, social distancing at maghugas ng kamay at mag-disinfect ay naging sagabal pa sa mamamayan. At dahil sa katigasan ng ulo asa hindi pagsunod, hayun tumaas ang bilang ng infected…at ang resulta, ang IATF na daw ang may kasalanan.

Hayun dahil sa hindi pagsunod ng marami sa simpleng health protocols, IATF na ang itinuturong may sala…kaya, pinabubuwag. Tama ba iyon? Mali! Ba’t kaya hindi ang matitigas na ulo ng mamamayan ang batikusin ng mga mambabatas – iyong gumawa sila ng basta na arestuhin, ikulong at maparusahan ng mabigat na kaparusahan ang mga mahuling hindi sumusunod sa health protocols? Hindi iyong multa-multa lang o community service ha, kung hindi talagang mabigat na kaparusahan. Ba’t hindi nila gawin ito?

Alam niyo bakit? Tako kasi itong mga politika na gawin ito o tirahin ng mamamayan dahil mag-e-eleksyon na o mga botante ito. Siyempre, mawawalan sila ng boto.

But anyway, sabihin na natin may pagkukulang ang IATF pero, self check po tayo. Simple lang ang pinagagawa sa atin, mamamayan. Para hindi magkahawa-hawaan ay sumunod lang tayo sa health protocols. Iyon lang po ang hinihinging kontribusyon sa atin ng pamahalaan.

Tandaan sana natin mga kababayan, sa panahon ngayon, ang lahat ay dapat kumilos at magtulungan. Hindi iyong gobyerno lang. napakasimple lang po ang gawin natin, magsuto ng facemask, face shield, social distancing etc. pero ano?!

Mga kababayan, we are the co-workers of the government…let do our role.

Sige, assuming binuwag ang IATF…sa tingin niyo kaya solve na ang problema sa pandemic. Wala nang mahahawaan? Mawawala na rin ba ang COVID?

Hindi ko kinakampihan ang IATF, ang aking lang ay magtulungan tayong lahat. Partner tayo ng IATF!

The post We’re all IATF co-workers… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
We’re all IATF co-workers… We’re all IATF co-workers… Reviewed by misfitgympal on Marso 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.