Facebook

Doble at Tripleng Ayuda

Hell has three gates, lust, anger, and greed. — Bhagavad Gita

KUNG may nagsasabing lumitaw ang tunay na pagka-Pilipino ng ating mga kababayan sa pagtatayo ng mga community pantry para makatulong sa kapwa na nangangailangan ng pagkain at iba pang mahahalagang bagay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, aba’y mayroon din namang mga pagkakataon na ang lumitaw ay ang masamang ugali pagiging sakim at walang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba kaya ngayo’y pinaguusapan ng karamihan ang kontrobersyal na paglago ng mga community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Tulad na nga ng nangyari sa Kapitolyo Community Pantry, na kung saa’y sinimut ng anim na kababaihan ang mga nakalatag na mga pagkain at ibang relief goods sa dahilang ipapamahagi din naman daw nila iyon para sa kani-kanilang kapitbahay. At mayroon ding mga kaso na nagpalipat-lipat ang ilang mga kumukuha ng ‘ayuda’ na para bang namamalengke sa magkakalapit na community pantry sa Quezon City.

Mayroon ding kaso ng panlalamang sa pagtanggap ng ayuda. Sa ilang lugar, may mga residenteng nakakuha ng doble o triple pa sa huling ayudang ipinamahagi ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng pagsasailalim sa enhanced community quartantine (ECQ) ng Metro Manila at ilang lalawigan sa National Capital Region (NCR) na tig-isang libong piuso par a sa mga indibiduwal at maximum na PhP4,000 kada pamilya.

Sabi nga ng isang residente sa Pasay: “Mabuti pa iyong mga adik nakakuha ng ayuda (mula kay Digong) e kaming nawalan ng trabaho at may pamilya ay walang ibinigay sa amin kahit isaang kosing.”

At sa Cabuyao, Laguna ay nanganganib makasuhan ang may 122 residente matapos dalawang beses na tumanggap ng ayuda. Ayon sa ulat sa telebisyon, nadiskubre ng mga opisyal sa Cabuyao ang pare-parehong pangalan sa kanilang cash aid database kaya ang sabi ng hepe ng Task Force Disiplina sa nasabing lungsod ay magsasampa ng kaso ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga residenteng kumubra ng dobleng ayuda.

Nakakalungkot na tayong bansa na ang mahigit 90 porsyento ay nagsasabing mga Kristiyano ay tila baga walang alam sa mga aral na ibinigay sa atin ng Panginoong Hesu Kristo. Sapat sana’y tandaan nila na isa sa ‘seven deadly sins’ na binanggit ng Diyos ay ang ‘greed’ o pagiging sakim at kalakip din nito ay ang isa pa ring kasalanang itinuturing na mabigat na pagsasalinsala sa ‘utos’ ng Panginoon—ang gluttony, o pagiging sobrang matakaw!

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Doble at Tripleng Ayuda appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Doble at Tripleng Ayuda Doble at Tripleng Ayuda Reviewed by misfitgympal on Abril 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.