Facebook

Magbanat ng buto… ‘wag sumandal sa community pantry!

COMMUNITY pantry, isa masasabing tipo ng pagtulong sa mga kababayan natin nagugutom o kapos ngayon pandemya dulot ng pag-atake ng Corona Virus 19 (COVID 19).

Ang community pantry ay masasabing hango din sa matagal nang kaugalian ng Pinoy – ang “bayanihan”. Marahil hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang “bayanihan”. Basta in short na lang, pagtutulong o pagtutulungan ang lahat para maka-survive.

Maganda ang pakay ng community pantry, isa nga sa magandang halibawa ay ang itinayong pantry sa Maginhawa St., Quezon City “Maginhawa Community Pantry” ni Ana Patricia Non.

Simula nang maitayo ang pantry, maraming kababayan natin ang natulungan nito – karamihan ay mula sa depress areas. At ang kagandahan nito, ginaya o marami na ring private individuals ang nagtayo ng pantry hindi lang sa Metro Manila kung hind imaging sa iaba’t ibang probinsiya.

Araw-araw maraming pumipila sa pantry lamang, sa kabila ng magandang layunin ng pantry, ito ay sinilipan pa ng ibang anggulo – kaysa konektado daw ang programa sa kalaban ng gobyerno, ang komunista sa bansa.

Hay naku, tutulong ka nga na lang sa tulong din ng ibang nagbibigay ng donasyon, palalabasin pa ng gobyerno na komunista ang nasa likod ng pantry. Oo, pinalalabas na para bang may hidden agenda(s) sa pagbuo ng community pantry.

Aba’y kung hindi naman sana kulang ang pagtulong ng gobyerno, marahil walang community pantry. Pero infairness naman sa pamahalaan, ginagawa naman daw nila ang lahat para bawat pamilyang Pinoy ay may maihahain sa hapag kainan.

Kunsabagay nga naman, kamakailan o hanggang sa ngayon ay patuloy na namimigay ng cash “ayuda” ang pamahalaan sa poorest among the poorest daw – P4,000 kada pamilya.

Ganoon ba? Pero mukhang hindi sapat ang ayuda dahil kung hindi ay wala nang pipila sa ayuda. Walang pipila? Imposible! Siguro ko’y maraming pipila pa rin dahil maraming Pilipinong tamad at umaasa sa mga ayuda o tulong.

Teka, poorest among the poorest baa ng mga totoong nakinabang sa pinakahuling pinamumudmod na ayuda? I doubt. Ang sabihin niyo, pili lang nila Kapitan ang bibigyan. Marami yata akong kakilala na maayos naman ang kanilang pamumkuhay pero, hayun nangunguna pa ang kanilang pangalan sa listahan ni Kapitan.

Ano pa man, balik tayo sa community pantry. Okey ang layunin ng programa – pakainin o tulungan ang mga nagugutom lamang, kung sisilipin natin ang kabilang mukha ng barya “coin”, masasabing may disadvatages ang community pantry.

Una, ginagawang tamad ang marami – dito na lamang sila umaasa. Paggising nila sa umaga, hayun pila agad sa halip na sikapin sana muna nilang buhayin ang kanilang sarili o pamilya.

Kapansin-pansin na iisang mukha na lamang ang araw-araw na pumipila dito – malalakas ang pangangatawan pero tamad na magbanat ng buto. Hayun, sa katamaran at sa sobrang pagdepende sa community pantry, hinahakot pa ang lahat ng laman sa mesa ng pantry. Hindi na inisip ang para sa iba sa kabila ng may nakalagay na “kumuha ng naayon sa pangangailangan”.

Iyan ba ang mga dapat tulungan – mga gahaman. Okey, hindi naman lahat pero, ang pantry ay nagiging masama ang epekto sa iba o nakararami, lalo silang naging tamad at umasa na lang sa pantry.

Sabi ko nga, maganda ang pakay ng CP, pero kahit na papaano ay may mali sa likuran nito – hindi na kumakayod ang iba at sa halip, araw-araw na umaasa na lamang dito kahit na masasabing kaya naman nilang magbanat ng buto-buto. Halimbawa na lamang ang mga “riders”. Kung walang motor ay bisikleta, kung walang bisikleta e di skates…basta, kung talagang gusto mong mabuhay maraming paraan sa tulong ng Panginoong Diyos.

Hindi tayo tutol sa community pantry pero, ang masaklap nito, maraming umaasa na lang dito at ayaw nang magbanat-banat ng buto.

Magtrabaho din kayo at ‘wag masyadong umasa sa community pantry!

The post Magbanat ng buto… ‘wag sumandal sa community pantry! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magbanat ng buto… ‘wag sumandal sa community pantry! Magbanat ng buto… ‘wag sumandal sa community pantry! Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.