UPANG hindI maulit ang naging kapabayaan sa nakaraang administrasyon na libong mga batang mag-aaral ang dumanas ng mala-tortyur na kamatayan dahil sa inilunsad na DENGVAXIA VACCINES ay nararapat lamang ngayon na magkaroon ng NATIONAL VACCINATED LISTS upang magkaroon ng kaseguruhan sa INDEMNIFICATION ACT sakaling magkaroon ng adverse effect sa mga susunod na taon ang lahat ng mga naturukan ng COVID-19 VACCINES.
Natatandaan ko pa, noong ilunsad ang DENGVAXIA VACCINATIONS ay may panuntunan noon ang DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na ang lahat ng mga eskuwelahang nagdaos ng pagbabakuna ay magsusumite ng listahan sa lahat ng mga mag-aaral na nababakunahan.., pero noong dumagsa na ang daan-daang mga bata na naoospital dahil sa adverse effect ng DENGVAXIA ay hinde na mahagilap ang listahan para mamonitor ang lahat ng mga nabakunahan.
Ang siste, tuluyang kinaligtaan ng mga kinauukulang GOVERNMENT OFFICIALS na imonitor at pagmalasakitan ang mga nabakunahan dahil responsibilidad ito ng gobyernong naglunsad ng vaccinations.., at ngayong taon ay may mga kabataang dumaranas na ng adverse effect ngayon sanhi ng DENGVAXIA VACCINATIONS.
Ngayong may COVID-19 PANDEMIC at nasa bahagdan pa lang ng HUMAN TRIALS ang isinasagawa hinde lamang dito sa ating bansa kundi maging sa buong mundo.., ay wala pang COVID VACCINES ang napapatunayang epektibo dahil taon ang bibilangin sa mga epekto ng bakuna bago magkaroon ng MEDICAL CONCLUSIONS hinggil sa mga ginagamit ngayong bakunang pangontra sa COVID.
Kaya naman, hinde na dapat pang maulit ang naging kapabayaan sa nakaraang administrasyon patungkol sa isinasagawang bakunahan ngayon.
Lahat ng mabakunahan ay dapat na mayroong NATIONAL LIST at ang mga LOCAL GOVERNMENT ay kailangang MANDATORY na magsumite sa listahan ng kanilang mga nabakunahan gayundin sa kung anong brand ng bakuna ang naiturok.., upang ang sinumang dadanas ng adverse effect sa mga darating na panahon ay sasagutin ng gobyerno sa pamamagitan ng INDEMNITY na pinondohan ng P500 milyon.
Ang INDEMNITY ay resulta sa pagkakasabatas ng COVID-19 VACCINATION PROGRAM ACT OF 2021 na nilagdaan ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE nitong February 26.., na imbes mga manufacturer ang babalikat kapag pumalpak ang bakuna ay ang gobyerno na ang aako sa mga magiging gastusin sa pagpapagamot ng mga dadanas ng masamang epekto.
Yun nga lang, ang INDEMNIFICATION FUND ay baka maglaho kapag naisagawa na ang pangalawang beses sa pagbabakuna kapag sa loob ng 3-buwan ay walang dadanas ng adverse effect.., na hinde man po ako doktor ay pairalin dapat ang COMMON SENSE na ang epekto ng bakunang itinurok ay taon ang bibilangin.., dahil ang mga MEDICAL EXPERT/RESEARCHERS ay taon ang bibilangin bago sila magkaroon ng MEDICAL CONCLUSIONS.
Kaya naman, ang INDEMNIFICATION FUND ay dapat na klinaro kung gaano ang itatagal at huwag gawing mahika na biglang maglalaho na lamang.
Kailangan maging sinsero ang ating GOVERNMENT OFFICIALS sa PAGMAMALASAKIT sa sambayanan tulad sa pagmomonitor sa lahat ng mga mababakunahan.., dahil nakakaawa ang karamihan sa sinapit ng mga nabakunahan ng DENGVAXIA na ang ilan sa ngayon ay may mga dumadanas na ng adverse effect pero ang gobyernong dapat nananagot ay pinabayaan lamang ang mga ito.., resulta, halos nagkakabaon-baon sa utang ang pamilya ng mga batang nabakunahan sa pagpapagamot sa ospital!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post National vaccinated lists kailangan sa seguridad! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: