Facebook

Parusahan ang mga makakating guro ng FEU High School

MAHIRAP magpaaral sa mga pribadong paaralan dahil sobrang mahal ng matrikula rito.

Ngunit, isinasantabi ng maraming magulang ang magastos na pagpapaaral sa mga pribadong paaralan dahil hangad nilang magkaroon ng magandang pundasyon ang kanilang mga anak para kinabukasan ng mga ito.

Marami akong kakilala na hindi naman mayayaman, ngunit pinili at minabuti nilang pag-aralin ang kanilang mga anak sa pribadong paaralan dahil kumbinsido silang mapapabuti ang kanilang anak.

Ngunit, hindi lahat ng pribado at sikat na mga paaralan ay maganda ang nangyayari sa mga estudyante.

Isa rin akong magulang.

Kaya, naiintindihan ko ang hinagpis ng mga magulang ng mga mag-aaral sa Far Eastern University (FEU) High School Department.

Nabunyag kamakailan ang kalapastanganan ng ilang guro ng FEU High School nang banggitin ni Senador Sherwin Gatchalian kamakailan.

Pokaragat na ‘yan!

Kinondina ni Gatchalian ang pananamantalang seksuwal ng ilang guro sa kanilang mga estudyante.

Sa pamamagitan ng twitter, nabatid ng senador ang kalaswaan at kababuyan umano ng ilang guro ng FEU High School sa kanilang mga mag-aaral.

Ayon sa reklamo, naganap ang pang-aabusong sekswal sa mga bata bago pa man umatake ang coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) noong Marso ng nakalipas na taon.

Pokaragat na ‘yan!

Nagpatuloy ang pang-aabuso at pambababoy sa mga estudyante hanggang nanalasa ang COVID – 19 sa ating bansa.

Ibig sabihin, matagal nang inaabuso at pinagsasamantalahan ng ilang guro ang mga mag-aaral.

Pokaragat na ‘yan!

Kahit saang anggulo sipatin, napakasamang krimen ang ginawa ng ilang guro ng FEU High School.

Naniniwala akong hindi ito kinunsinti ng pamunuan ng FEU dahil mahalaga sa kanila ang mga estudyante.

Ang kita ng FEU ay nakabatay sa rami ng mga nag-eenroll sa FEU.

Kung maraming estudyante, siyempre maraming kita ang mga may-ari ng FEU.

Kung kaunti, maliit ang kita ng mga may-ari ng FEU.

Alam kung aaksyon ang pamunuan ng FEU laban sa kanilang mga makakating guro.

Ngunit, panawagan ko sa pamunuan ng FEU High School Department ay parusahan ang mga gurong sangkot sa pang-aabusong sekswal sa mga estudyante upang maparusahan ang mga ito.

Sa gayon, hindi na magpatuloy ang kalaswaan at pambababoy ng mga guro.

The post Parusahan ang mga makakating guro ng FEU High School appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Parusahan ang mga makakating guro ng FEU High School Parusahan ang mga makakating guro ng FEU High School Reviewed by misfitgympal on Abril 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.