Facebook

Usapang droga

MALAYA at masigabong talakayan ng mga usapin ng bayan ang pakay ng grupo ng mga nagtapos sa Ateneo University, isa sa mga pangunahing pamantasan ng Simbahang Catolico Romano sa Filipinas. Unang inimbitahan ng grupo si Sonny Trillanes sa kalagitnaan ng Abril at sumunod si Isko Moreno noong Biyernes. Bahagi ang talakayan sa paghahanda sa halalang pampanguluhan mg 2022. Lampas 200 ang dumalo sa talakayan na ginagamitan ng makabagong teknolohiya tulad ng Zoom, FB Live, Messenger, at iba pa. Kahit nasa iba-t-ibang lugar at bansa ang mga kasali, mukha silang nagpulong sa iisang pook.

Inabot ng tatlong oras ang talakayan nina Sonny Trillanes at mga Ateneo alumni at kanilang ginalugad ang usapin ng pandemya, pagkamkam ng China sa ating teritoryo at likas na yaman sa West Philippine Sea, ilegal na droga, pagpapalakas ng Sandatahang Lakas, pambansang ekonomiya, edukasyon at iba pa. Tinalakay ni Trillanes ang maraming usapin kahit nilinaw niya na hindi siya opisyal na kandidato para pangulo at papalaot lamang siya sa 2022 kung hindi tatakbo sa panguluhan si Bise Presidente Leni Robredo. Maraming tanong kay Trillanes sa talakayan, ngunit pawang nalinawan ang mga isyu.

Hindi mapalad sa talakayan ang mga Ateneo alumni kay Isko noong Biyernes. Kagyat na tumanggi si Isko na talakayin ang mga pambansang isyu sa bansa sapagkat ”hindi napapanahon,” aniya. Imbes, binigyan niya ng focus ang responde ng siyudad ng Maynila sa pandemya, ang programa ng siyudad na bakunahan ang mga mamamayan, at iba pang detalye. Hindi natuwa ang mga Ateneo alumni sa sinabi ni Isko. Mayroon ilang kasapi sa forum ang nagpatay ng kanilang koneskyon at hindi na lumahok. Ikinuwento ni Isko ang kanyang buhay at nagmistulang nakikipagtagayan sa mga lasenggo sa Tundo kung saan siya nagmula. Hindi siya sineryoso ng mga kausap at hindi siya nagklik.

***

BALIK kay Sonny Trillanes. Sa pagtalakay ng suliranin sa ilegal na droga, inamin ni Sonny Trillanes na nabigo ang gobyerno ni Rodrigo Duterte na sugpuin ang problema sa droga. Maraming namatay ngunit hindi nangahulugan na nalutas ang suliraning panlipunan. Sapagkat bigo, kailangan ng pagpapalit sa public policy. Patunay ang naglipanang droga kahit 30,000 katao umano ang bilang ng napatay, o biktima ng EJKs (extrajudicial killings) sa administrasyon ni Duterte.

Ayon kay Trillanes, kailangan ng holistic approach (pananaw sa kabuuan) upang malutas ang problema sa droga. May dalawang mukha ito: ang panig ng pangangailangan (demand side); at ang panig ng pagtustos (supply side). Hindi puede na isang panig lang ang harapin; kailangan ang dalawang panig, giit ni Sonny Trillanes sa mga Ateneo alumni.

Sa unang panig- ang pagtustos, o supply side, sinabi ni Trillanes na kailangan palakasin ang mga sangay na gobyerno na may armas at lakas – Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang kapabilidad. Pangunahing panlaban sa kriminalidad ang PNP. Sila ang humaharap sa mga panginoong ng droga (druglord) . Kailangan na ayusin ng susunod na gobyerno ang kakayahan ng PNP na habulin ang mga taong sangkot sa pagpupuslit sa bansa ng droga at pagbebenta sa publiko. Kailangan palakasin ang kakayahan ng AFP na tumutulong sa pagbaka sa droga.

Kasama sa mga solusyon sa supply side ang pag-alis sa “Oplen Tokhang” ng administrasyong Duterte at sapilitang pagpapatigil sa walang habas na patayan sa mga taong pinaniniwalaang sangkot sa puslitan at bentahan ng ilegal na droga. Ipinapanukala ni Trillanes ang sistemang demokratiko at pagbabalik ng pangingibabaw ng batas (rule of law) at tamang proseso (due process) na itinakda ng sistemang katarungan. Hindi nalutas ang problema sa droga ng walang tigil na patayan at paglabag sa karapatang pantao, aniya.

Upang mabilis ang katarungan, iminungkahi ni Trillanes ang pagtatag ng mga hukuman na ang trabaho ay litisin ang mga sakdal na may kaugnayan sa droga. Special anti-drug court, aniya. Iminungkahi ni Sonny Trillanes ang pagtatag ng mga special detention center upang ihiwalay ang mga taong sangkot sa droga. Kailangan palakasin ang kakayahan sa pagkalap ng impormasyon (information gathering) ng PNP at gobyerno.Kailangan makipagkasundo sa mga kakamping bansa upang magkaroon ng palitan ng mga impormasyon sa droga, aniya. Kailangan mapalakas ang border patrol upang masubaybayan ang mga baybaying dagat laban sa pagpupuslit ng droga.

Sa panig ng pangangailangan, o demand side, naniniwala si Sonny Trillanes sa pangangailangan ng mas matindi, marubdob, at pangmatagalang info drive upang makumbinsi ang sambayanan na iwasan ang ilegal na droga. Kailangan mailayo ang mga kabataan sa droga, aniya. Panukala ni Sonny Trillanes ang pagmomobilisa sa Simbahan, negosyo, eskuwelahan, at civil society upang maharap ang tukso ng droga. Panukala niya ang pagpapalakas sa programang palakasan (sports).

Naniniwala si Sonny Trillanes na kasama sa solusyon ang pagtatag ng mga rehabilitation center sa bawat lalawigan at siyudad. Hindi biro ang suliranin sa droga, aniya, ngunit kailangan tumulong ang bawat sektor ng lipunan upang talikuran ang pagdanak ng dugo. Hindi makukuha sa katwiran “Kill, Kill, Kill” ang problema, aniya. Hindi iyan ang solusyon sa problema, aniya.

***

NAHARAP sa mga matinding tanong si Sonny Trillanes sa mga alumni ng Ateneo. Inarok ng mga alumni ng Ateneo ang paniniwala at paninindigan ng mambabatas sa mga pangunahing isyu na hinaharap sa bansa. Tutol si Sonny Trillanes sa panukalang RevGov (revolutionary government) sapagkat nilalabag nito ang Saligang Batas. Huwag magkamali si Duterte na ideklara ito sapagkat tutol ang AFP dito at malamang mabaling ang bansa sa kaguluhan.

Tutol si Trillanes sa panukalang pagtatatag ng gobyernong federalismo dahil ito ang magsisilbing mitsa na pagkakawatak ng bansa. Walang makakapigil sa mga federal state na tuluyang humiwalay sa Filipinas sa sandaling umunlad sila, aniya. Ayaw tin niya sa death penalty dahil hindi maayos ang sistema ng katarungan at maraming inakusahan ng krimen ang mapapatay kahit hindi nila ginawa.

Hindi handa ang Filipinas na alisin ang pag-aari ng marijuana sa listahan ng krimen. Pinapahiwatig niya na katig ang AFP sa Konstitusyon at tututol ito sa anumang pagtatangka ni Duterte na isantabi ang Saligang Batas. Nariyan ang suporta sa kanya ng maraming sundalo dahil dati siyang sundalo,ngunit hindi maiaalis sa kanila ang sumuporta sa Commander-in-Chief, aniya.

Pagdating sa paniniwala na kimi ang mga Filipino sa isang mala-diktador na lider told ni Duterte, sinagot niya ito sa ganitong paraan. Hayaan ninyong ibigay ko ang verbatim na sagutan:

TANONG: What is it about in our present situation that allows the president to do whatever he wants, to do without anyone able to call him out? How would you and Leni correct whatever is in the system is allowing absolute power?

TRILLANES: The answer to that question is fear. The [Oplan Tokhang] policy of Duterte is not really to address the illegal drug problem but to instill fear in the hearts of the people in general, the different sectors [like] the Church, the civil society, the media, and the national politicians. When I was in the Senate, I saw for myself veteran senators trembling in fear because of Mr. Duterte probably [knowing] they have their own skeleton. But then, that’s the reason the Senate abdicated its role to check as a guardian of democracy. It has its moments. But I remember during the Arroyo administration, regardless whether Arroyo was flexing her muscles o in practically different areas of government, but the Senate stood pat on its role as a fiscalizer. But not anymore. In the media, Duterte was able to shake down the [Philippine Daily] Inquirer at first, then [rappler.com].The cases filed against Maria Ressa had chilling effects. They were deliberate. So that is the reason why nobody called Duterte out because they are fearful. But things are changing. Some individuals and sectors are able to find their voices and have started out for Mr. Duterte.

***

MAYROON kaming isinulat tungkol kay Farncis Tolentino: “Now, It’s getting clear. The verbal agreements, of which Rodrigo Duterte and Xi Jin ping could have entered into when they met in 2019, could include extension of fishing rights to Chinese vessels inside the exclusive economic zone of the PHL.

“Unfortunately for Francis Tolentino, he could not produce any written agreement. HIs motion for ratification was denied because he could not produce documents. Neither did he fully know those agreements. This skunk wanted the Senate to ratify agreements between China and the PHL even without any written pacts. ‘Basta magtiwala kay Duterte’ – this was all this skunk could utter. Now, the Chinese vessels would not leave our EEZ, as they take away our maritime entitlements under international law. Expert daw sa international law ang gagong ito?”

The post Usapang droga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Usapang droga Usapang droga Reviewed by misfitgympal on Abril 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.