ABOT-ABOT ang pasasalamat ng samahan ng mga gobernador ng Pilipinas sa Pitmaster Foundation dahil sa mga ambulansya na ibinigay nito sa bawat probinsya.
Ayon kay Gov. Presbitero Velasco, pangulo ng League of Provinces of the Philippines (LPP), “kailangang-kailangan namin ng mga additional na ambulansya para magamit sa Covid patients transport”.
“Isang text lang namin sa Pitmaster, nandyan na kaagad ang mga ambulansya nila”, dagdag pa ni Gov. Velasco.
Aniya, “the provinces really appreciate their help. Pitmaster truly cares”.
Nabatid na 81 o bawat lalawigan ang binigyan ng ambulansya ng Pitmaster foundation.
Walo na ang na-ideliver sa mga lalawigan pero natigil lamang ang paghahatid sa mga nasabing medical transportation dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon naman kay Pitmaster Foundation chairman Charlie “Atong” Ang, “we just want to help the government sa kanilang Covid response by bringing patients to hospitals or isolation facilities”.
“The foundation’s mission is to save lives by partnering with the LGUs (local government units),” dagdag pa ni Ang. (Mylene Alfonso)
The post Pitmaster pinasalamatan ng Liga ng mga Governors dahil sa bigay na mga ambulansya appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: