Naaresto ng operatiba ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang nagtitinda ng face shield at face mask na nagpanggap na bumbero upang makalusot sa quarantine rules.
Sa ulat, lulan ito ng black SUV na papasok sa Metro Manila nang harangin ng PNP-HPG sa checkpoint sa NLEX.
Sinabing ipinakilala ni Konsulyano Padilla ang kanyang sarili na miyembro ng Bureau and Fire Protection (BFP) na nagbabantay sa lugar at nagsasagawa ng inspeksyon.
“Nakauniporme siya ng pang-itaas at prinesent niya ang kanyang ID ng Bureau of Fire,” kwento ni PNP-HPG Commander Police Captain Erwin Casil.
“Na obserbahan namin na malabo at mayroon siyang binura doon sa designated ID na dapat namin makita.”
Nakita naman ng mga awtoridad ang kahon-kahong face mask at face shield sa likod ng SUV.
Hindi nagbigay ng pahayag si Padilla pero inamin nito sa PNP-HPG na nagpapanggap siyang tauhan ng BFP para madaling makapunta sa iba’t ibang lugar habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at kalapit na lalawigan, kasama ang Bulacan
Sasampahan sa piskalya ng reklamong usurpation of authority at paglabag sa quarantine si Padilla.
The post Tindero nagpanggap na bumbero, huli sa checkpoint appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: