Patay ang isang empleyado ng punerarya nang pagbabarilin ng isang nagkunwaring kliyente sa Nabunturan, Davao de Oro nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Melvin Omega.
Ayon sa ulat, nilapitan ang biktima ng dalawang lalaki sa Montoya Funeral Parlor sa Purok 1, Barangay Poblacion para mag-usap tungkol sa funeral service.
Pagkatapos ng pag-uusap, bumunot ng baril ang isa sa kausap nito at binaril ang biktima.
Tumakas ang mga salarin na kinikilala na ngayon ng pulisya.
Dead-on-arrival sa Compostela Valley Provincial Hospital-Montevista si Omega.
Narekober sa crime scene ang isang basyo ng pinaniniwalaang galing sa .45 caliber pistol.
Patuloy ang imbestigasyon kaugnay sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga responsable.
The post Empleyado ng punenarya, kinatay ng kliyente appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: