NAPANTAYAN na ni Russell Westbrook ang NBA legend na si Oscar Robertson sa triple-double performance nang talunin ng Washington Wizards sa overtime ang Indiana Pacers, 133-132,kahapon sa Bankers Life Fieldhouse,sa Indianapolis.
Ito ay makaraang magposte si Westbrook ng 33 points, 19 rebounds at 15 assists para sa ika-32 panalo ng koponan at makahabol sa play-in tournament.
Sa kabuuan meron ng 181 career triple-doubles ang dating NBA MVP na si Westbrook upang mahabol ang halos kalahating siglo na hawak na record ni Robertson.
Ngayong season lamang nagtala na ng 35 triple-doubles si Russell kung saan 19 nito ay sa nakalipas na 24 games.
Ang pagbubunyi sa record ni Westbrook ay nasapawan ang nagawa ni Bradley Beal na 50 points para tulungan ang Wizards na umakyat sa No. 9 spot sa Eastern Conference, o kalahating game na nauuna sa Indiana.
Gayunman hindi na nakalaro sa overtime period si Beal bunsod ng hamstring at ankle injury.
“Every time I step on the floor I try to leave everything on the floor,” Wika ni Westbrook.
The post Westbrook triple-double sa OT win ng Wizards vs Pacers appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: