Facebook

Erpat nagbigti matapos paslangin ang kanyang mag-iina sa Laguna

LAGUNA – Minasaker muna ang asawa’t dalawang anak bago nagpakamatay ang isang mister sa Binan City nitong Martes ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ni Police Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Binan City Police, nakilala ang mga biktima na sina Johnny Martinez, 46; live-in-partner nitong si Jolly Espinas, 41; panganay nilang anak na si Winston, 7; at bunso na si Brixton, isang taon gulang, pawang residente ng Barangay Canlalay sa lungsod.

Nabatid na 1:00 ng hapon nang madiskubre ng isang residente na si Melissa Loza ang insidente. Pawang naliligo sa sarili nilang dugo sina Espinas at dalawa nitong anak na may malalaking sugat sa kanilang mga ulo na hini-hinalang pinalo ng martilyo hanggang sa mapatay.

Bukod dito, may takip na facemask na tela sa kanilang bibig ang dalawang bata, samantalang inabutan pang nakabitin sa pasilyo ng kanilang bahay ang mister na si Martinez na nagbigti gamit ang isang nylon chord matapos isagawa nito ang brutal na pamamaslang sa kanyang mag-iina.

Sa imbestigasyon ng pulisya, 11:00 ng gabi ng Lunes ay nakarinig ng mga pag-iyak ang mga residente mula sa bahay nina Martinez. Sina-sabing palagian nag-aaway ang mag-asawa dahil sa pera.

Hindi naman inaalis ng pulisya na posibleng wala sa katinuan si Martinez kaya nagawa nito ang brutal na pamamaslang sa kanyang pamilya.

Nakuha sa crime scene ang martilyong ginamit ni Martinez.(Dick Garay)

The post Erpat nagbigti matapos paslangin ang kanyang mag-iina sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Erpat nagbigti matapos paslangin ang kanyang mag-iina sa Laguna Erpat nagbigti matapos paslangin ang kanyang mag-iina sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Hunyo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.