INARESTO ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang nurse sa kasong extortion at pananakot sa kapwa nurse at busines partner nito sa entrapment operation sa Cebu City.
Kinilala ang dinakip na si Aimee Sheryll Villamil Canda, registered nurse at online seller ng Cebu City.
Ayon kay CIDG director Major General Albert Ignatius D. Ferro, 5:40 ng hapon nang magsagawa ng entrapment operation ang CIDG Man-daue, Cebu Filed Unit sa Barangay Kamputhaw, Cebu City.
Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ni Jad Dejaresco, 39 anyos, nurse, business partner ni Canda, ng Robbery-Extortion at Grave Threat.
Ayon sa biktima, nakakatangap siya at kanyang pa-milya ng mga pagbabanta mula kay Canda at paghingi ng ba-yad nito sa kanyang utang.
Inaresto si Canda nang tanggapin ang hinihingi na kabayaran mula sa biktima.
Narekober kay Canda ang P500 marked money, iPhone 7 cellular phone, 4 na tig- P1,000.00 peso; at 70 na tig-P1,000.00 boodle money. (Mark Obleada)
The post Nurse timbog sa extortion at Grave Threat appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: