Facebook

Away sa alagang hayop: 1 patay

PINATAY ng isang lalaki ang kanyang kapitbahay nang mamatay ang kanyang mga alagang kambing na hinihinalang kinagat ng alagang aso ng biktima.

Sa ulat, nag-ugat ang gulo nang kagatin ng mga alagang aso ni Alexander Molina ang mga kambing ng kapitbahay na si Bobby Barro.

Ayon sa report, sumugod si Barro sa bahay ni Molina para komprontahin ang huli.

Naniniwala kasi si Barro na ang mga aso ni Molina ang kumagat sa apat na alaga niyang kambing kaya namatay ang mga ito.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa barilin ni Barro si Molina gamit ang shotgun.

Itinakbo pa sa ospital si Molina pero idineklarang dead on arrival.

Tumakas si Barro pero nadakip din ng pulisya kalaunan, at nareokber din ang ginamit niyang shotgun.

The post Away sa alagang hayop: 1 patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Away sa alagang hayop: 1 patay Away sa alagang hayop: 1 patay Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.