Facebook

Lolo nanuntok ng bata patay sa suntok ng ama

PATAY ang isang lolo nang suntukin ito ng ama ng batang kanyang sinuntok nang magkasalubong ang mga ito sa daan sa Cebu city.

Kinilala ang nasawi na si Lucrisio Yparraguirre, 60 anyos; habang kusang sumuko ang salarin na si Giovanni Avila, 44, janitor. Kapwa sila residente ng Sitio Agbate, Barangay Suba, Danao City.

Sa report ng Danao Police Station, 7:00 ng gabi ng Lunes nang maganap ang insidente.

Ayon sa ulat, bago ang pangyayari, inutusan ng salarin ang 10-anyos nitong anak na lalaki sa tindahan para bumili ng bigas.

Ilang minuto ang makalipas, nanginginig sa takot ang anak ni Avila na umuwi sa kanilang bahay at nagsumbong sa ama na tinakot siya ni Yparraguirre saka sinuntok.

Umusbong ang galit ni Avila at sinugod nito ang lasing na biktima saka sinuntok na tinamaan sa panga dahilan para matumba ito at tumama ang ulo sa sementadong imburnal.

Isinugod sa ospital ang biktima pero dineklarang patay.

The post Lolo nanuntok ng bata patay sa suntok ng ama appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lolo nanuntok ng bata patay sa suntok ng ama Lolo nanuntok ng bata patay sa suntok ng ama Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.