
PINABABANTAYAN ni Senador Leila de Lima sa sambayanan ang paggasta ng P11 trilyon inutang ng administrasyong Duterte.
Ayon kay de Lima, bukod dito ay subaybayan din aniya ang patuloy pang pag-utang ng kasalukuyang gobyerno sa katuwiran na ang sambayanan ang babalikat ng mga ito.
“Duterte’s debt spree must be kept in check considering his infamous sly of tactics and his minions’ ineptitude, negligence and failure of coming up with a solid, well thought-out fiscal plan,” pahayag ni de Lima.
Iginiit pa ni de Lima, ang kaliwa’t-kanang pag-utang ay kontra sa madalas na rin sabihin ni Pangulong Duterte na may sapat na pondo ang bansa.
Ibinahagi ng senadora na bago pa ang pandemya, panay ang utang na ng gobyerno para sa ‘Build, Build, Build’ program ng gobyerno.
Sinabi pa nito na marami naman sa mga natapos na infra projects ay sinimulan na ng administrasyong-Noynoy Aquino.
“With less than a year before our country’s nightmare under his administration ends, all they can brag about are PNoy administration infrastructure projects that they simply completed,” ayon pa sa senadora.
The post Inutang ng Duterte admin na umabot ng P11-T pinababantayan ni Sen. De Lima appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: