Facebook

Empress Poultry Farm sa Bataan, inireklamo sa langaw

NAPAKARAMI talagang problema ang ating bansa na karamihan sa mga ito ay hindi inaaksyonan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Isa sa mga suliranin ng ating bansa ay ang labis na nakapeperwisyo sa mga residente ng Sitio Kamaliw, Barangay Binukawan na matatagpuan sa Bagac, Bataan ang tungkol sa mga langaw.

Ipinabatid sa atin na ‘kagyat’ nilang problema ang napakaraming langaw.

Dati, hindi nila problema ang mga langaw dahil hindi naman nilalangaw ang kanilang barangay.

Nagsimulang kahiligang mag-ikot at tumambay araw-araw ng mga langaw sa Barangay Binukawan nang magkaroon ng EMPRESS Poultry Farm sa nasabing lugar.

Pokaragat na ‘yan!

Sa pagkakataong ito, hindi na ipinarating ng mga residente ang kanilang suliranin tungkol sa pesteng langaw dahil wala silang mapapala sa pamahalaang barangay ng Binukawan.

Hindi naman daw umaaksyon ang barangay hinggil sa kanilang reklamo.

Hindi raw lumagda ang kapitan sa dokumento laban sa EMPRESS Poultry Farm, dahilan upang hindi umaksyon ang pamahalaang bayan ng Bagac na pinamumunuan ni Mayor Ramil del Rosario.

Sino ba ang kapitan ninyo’t hindi kumikilos?

Huwag na ninyong ihalal ang taong ‘yan sa Disyembre 2022!

Sabi ng mga residente, napakarami na ang nagkakasakit sa kanila.

Ang nag-iisang sapa sa kanilang lugar ay ‘nalason’ na ng mga langaw dahil dito raw itinatapos ang kung anu-anong parte ng mga kinatay na manok.

Pokaragat na ‘yan!

Ang may-ari raw ng dambuhalang EMPRESS Poultry Farm na ito ay mayroong apelyidong “Banzon”.

Mayroon umanong mga kuwento sa Bagac na kaibigan ni Mayor Del Rosario ang nasabing Banzon.

Sinaraduhan na ang EMPRESS Poultry Farm noong 2018 alinsunod sa pasya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa napatunayan nitong sandamakmak na paglabag sa mga batas patungkol sa Clean Water Act, National Zonal Code, National Sanitation Code, kakulangan ng mga permiso sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, at iba pang alituntuning magbibigay ng proteksyon sa kalusugan ng mga residente ng apektadong lugar.

Pagkaraan ng ilang buwan, bukas na uli ang EMPRESS Poultry Farm.

Pokaragat na ‘yan!

Anong nangyari Mayor Ramil del Rosario?

The post Empress Poultry Farm sa Bataan, inireklamo sa langaw appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Empress Poultry Farm sa Bataan, inireklamo sa langaw Empress Poultry Farm sa Bataan, inireklamo sa langaw Reviewed by misfitgympal on Hulyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.