Facebook

Pulis huli sa ‘tupada’, tatakas pa sana…

ILOILO CITY – Huli sa akto ang isang pulis na nagsasagawa ng iligal na sabong o “tupada” sa isang subdivision sa Barangay Cagbang, Oton, Iloilo.

Kinilala ang naaresto na si Police Corporal Virgilio Rojo, 37 anyos, residente ng nasabing barangay at nakatalaga sa General Services Office (GSO) ng Iloilo City Police Office (ICPO).

Ayon kay Police Captain Robert Jayson Pancha, hepe ng Oton Municipal Police Station, matagal nang may report na sangkot si Rojo sa nasabing iligal na aktibidad.

Nang ikinasa na ang operasyon, naaktuhan si Rojo sa loob ng gratas ng sabungan. At habang binabasahan ito ng ‘Miranda Doctrine’, bigla itong tumakbo sa palayan ngunit hinabol ng mga kapwa pulis hanggang sa mahuli ito sa kabilang barangay.

Trending ang video nito habang tumatakas.

Nasa kustodiya na ng Oton Municipal Police Station si Rojo at ang apat na iba pang kasamahan nito na nagsasagawa ng tupada.

The post Pulis huli sa ‘tupada’, tatakas pa sana… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis huli sa ‘tupada’, tatakas pa sana… Pulis huli sa ‘tupada’, tatakas pa sana… Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.